Chapter 35

2.9K 94 12
                                    

"Good Morning Babyloves." napakinggan ko ang boses ni Gerard. Iminulat ko ang isang mata ko at nakita sya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya sa inaantok kong boses.

"Breakfast in bed." kinuha nya yung mini table at ipinatong sa kama at hinalikan nya ako sa noo.

Bumangon ako at sabay kaming kumain. Nag handa na rin ako pagkakain ng gamit ko pauwi sa bahay. Ngayon na rin kasi ang araw na aalis kami sa inuupahan naming bahay kasi lilipat na kami sa bagong bahay namin. Sa bagong bahay na pinagawa ng Papa ni Hans para sa aming apat.

"Haist, mamimiss ko to." sabi ko kay Gerard habang naka tayo sa tapat ng bahay at nilalagyan na nung may-ari ng bahay na for rent.

"Baka yung memories ang mami miss mo hindi yung bahay?" tanong ni Gerard.

"Ganun na rin yun." sabi ko.

Halos ten years din kasi kaming tumira sa bahay na toh. Nakaka miss si Daddy. Mamimiss ko talaga yung mga nangyari sa bahay na ito. Saksi ito sa lahat ng nangyari sa buhay ko.

"Tara na hinihintay na nila tayo." sabi ni Gerard sa akin at nauna ng pumasok sa kotse. Hindi ako gumalaw at tinitigan lang ang bahay.

"Aria tara na!" naiinis na si Gerard kaya binusinahan ako. Naglakad ako patalikod at sumakay sa kotse.

"Sorry nga pala kagabi hindi ko na nakita parents mo." sabi ko.

"Okay lang yun hindi rin sila importante."

"Ala, ano ka ba wag ka ngang ganyan sa parents mo." sabi ko sa kanya.

"Psh. Oo nga pala sumama ka sa akin this Friday."

"Anong meron?" tanong ko.

"Basta." naiinis nyang sabi. May saltik nanaman si loko.

"Okay." sagot ko na lang.

Mga 20 minutes din yung byahe mula sa bahay namin papunta sa bago naming bahay. Lalo akong napalayo sa school. Siguro mga 35 minutes na or 30 minutes ang travel ko papunta sa school. Pagbaba namin ng sasakyan nandun na rin silang apat tatlo at nag aayos ng gamit. Lahat sa bahay na ito ay bago. Yung mga dati naming gamit sa bahay ay ibinenta na ni Mommy online at ang mapagbebentahan ay iniipon nya para raw sa akin. Pumasok kami ni Gerard sa loob at tinulungan nya ako sa pagbubuhat ng mga gamit ko. Pati yung kama ko ibinenta na. Nakaka lungkot pero kailangan kong tanggapin ang nandito na.

Pahapon na rin nung matapos kami. Si Hans napansin ko na hindi na lumalabas ng kwarto nya. Habang nag lalunch kami nagpasalamat si Tito Rafael sa amin ni Gerard sa pag tulong sa kanila. Matapos kumain nasa kwarto lang kami ni Gerard. Naka higa kamo at naka unan ako sa braso nya.

"Hindi ka pa ba hinanap sa inyo?" tanong ko kay Gerard.

"Hindi pa. Hindi ako hahanapin nung mga yun."

"Asus naman." sinundot ko pisngi nya. ngumiti sya at niyakap ako at hinalikan sa noo.





September na at sa Biyernes na ang alis ni Ivan papuntang New York. Nasabi 'nya na rin sa Phantom 5 ang plano kamyang pag-alis after ng kasal nila Mommy at Tito Rafael. First ng September at busy kaming lahat para sa Intrams. After kasi ng Intrams ay may tinatawag na City Meet kung saan naglalaban-laban sa sports lahat ng schools dito sa City. Last week ng September yun kaya medyo busy na ang lahat.

Hindi ko pa nakita na umuwi ng bahay si Hans maliban nung kasal nila Mommy after nun palagi na lang sya sa bahay nilang lima umuuwi. Ganun naman yata talaga silang lahat. Hindi ko rin alam kung paano sila pinapayagan ng magulang nila. Sabagay nasa legal age nanaman silang lahat.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now