Prologue

14.6K 310 63
                                    

"NANDIYAN NA SILA!!!"

Napakinggan ko ang sigaw ng isang babae. Napansin ko na lang na ang daming estudyante na nag-takbuhan sa may vehicular gate pag-bukas nito. Napa-isip ako kung sino ang tinutukoy niya pero hindi ko na lang pinaka-isip pa. Ang inisip ko ay kung papaano ako mag-susurvive dito sa bago kong eskwelahan. 4th Year High School na ako ngayong pasukan, eh kaso, nag-sara ang school na pinapasukan ko noon. Maliit na Academy lang kasi iyon, pero maganda ang quality of education kaso ayun nga lang nalugi dahil kakaunti lang naman kami na pumapasok. Kahit ayaw namin ni Mommy na luipat ako ng school, kailangan.

Nasa tapat na ako ng gate ng new school ko. Naka-complete uniform ako ng black coat na may logo sa bulsa ng school. White blouse na may manipis na ribbon na chekered na black, white and gold na kasing kulay ng skirt na below the knee. Mahabang puting medyas na hanggang tuhod at shiny black shoes. Dahil first day of school, maliit na bag lang ang dala ko. Isang pencil case na naandoon na lahat ng ballpens ko. Assignment notebook, my journal and an intermediate pad paper. Nasa bag ko rin ang wallet at phone ko. Ang daming pag-babago akong kinakaharap sa ngayon. Mag-aadjust ako sa new environment ko. Please be good to me, Sullivan Brook High. Isa sa prestigious and best school ang Sullivan Brook High. Lagi silang Top 1 sa surveys pag-dating sa quality of education sa buong probinsya. Top 6 naman sila last year sa buong Pilipinas sa isa sa pinaka-magandang eskwelahan sa buong bansa. And when they say, pinaka-maganda, engrande talaga ang school na ito at ka-linya ng magaganda at prestigious universities at international schools sa buong bansa. Hindi lang physically kung hindi pati na rin sa quality ng education. May mga partner universities din sila sa loob at labas ng bansa kaya kailangan ko pang galingan para maka-kuha ng scholarship sa UP. Iyon kasi ang dream school ko.

Malaki ang gate na nasa harapan ko. Malaking black gate na bukas. Pag-pasok ay makikita ang mga naka-pila na estudyante. Kaniya-kaniya silang porma pero mahahalata na mayayaman ang karamihan. Mapa-babae o mapa-lalaki man, mahahalata ang antas ng pamumuhay nila. Hinubad ko ang suot kong bag at inilagay sa scanner. Dumaan ako sa human scanner at kinuha muli ang bag ko matapos ang checking ng gamit. Bumabati ng good morning ang mga guards nang naka-ngiti kaya ngumiti rin ako. Pansin ko na medyo nagulat si Ate na Guard nang ngumiti ako at bumati sa kaniya. Parang ang pag-ngiti niyang sagot sa akin ay wala sa pang araw-araw niyang routine. May dumi ba ako sa mukha? Kumakain kasi ako ng cupcake e. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tiningnan kung saang section ako at saan ang building. May map kasi sila sa website ng school na parang Google Map. Sa laki at lawak ba naman ng school na ito, talagang maliligaw ang first timers.

Room 403, Gutierrez Building

Nag-search ako sa map at nakita ang direksyon. Nag-simula na akong mag-lakad. Sinusundan ko lang ang red arrows na nasa map papunta sa Gutierrez Building. Habang busy ako sa cellphone ko, aksidente na may nabunggo ako. ARAY! Ano ba iyon? Bakal? Ang sakit ng ulo ko eh. Napa-tunghay ako at nakita ang isang lalaki na naka-tayo. Matangkad siya at naka-pang uniform na panlalaki ng Sullivan Brook High. Tumingin ako sa kaniya pero tumingin sila ng masama sa akin.

"Sorry, sorry talaga. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry." sabi ko.

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Sinundan ko naman ang tingin niya at nakita ko na nasa sapatos na niya ang cupcake na kanina ay nasa kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin. Ano ba iyan Aria, first day ng pasukan may makaka-away ka na kaagad. Halatang na-bwisit ang itsura. Huminga siya ng malalim. Feeling ko sisigwan na niya ako kaya agad akong yumuko at kumuha ng panyo sa bag ko. Pupunasan ko na nang bigla niyang alisin ang paa niya at nag-lakad papalayo. Nag-bulong bulungan ang mga tao sa paligid pero kinabahan ako sa sinabi ng isa.

"Naku, mukha pa namang bago siya rito. Lagot na, binangga niya ang Phantom 5. Si Gerard pa talaga."

Ano raw? Sino raw?

The Five Bad Boys and IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora