Chapter 49

3K 90 5
                                    

HANS's POV

"So what do you want to eat? We have tuna sandwich here, an orange juice, water? How about loaf and nutella?" isa-isa kong inilabas ang pagkain pagka set-up namin sa puntod ni Daddy niya.

"Water please." sabi niya sa akin at binigyan ko naman siya. "Thank You Mr. Catley." sabi niya.

"You're welcome Ms. Santiago." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Uminom siya ng tubig at huminga ng malalim. Tumingin siya ng malayo. Mataas kasi dito at over looking the sea. Si Gerard nanaman ba ang iniisip niya?


"Stop thinking of him. Nagseselos ako." biro ko sa kaniya.

"Ha?" tumingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya ngumiti. Ngumiti din lang naman siya.

"Si Gerard nanaman ba iniisip mo? Huwag mo na munang isipin iyon, isipin mo muna ang peace of mind mo." sabi ko.

"Oo na. Oo na. Mag-rerelax na ako." sabi niya.

"Ay teka may isa pa nga pala akong mat na dala. Kukunin ko lang." sabi ko kay Aria.

Tumayo ako at nagtungo sa kotse. Pag bukas ko ng takip sa compartment nag vibrate naman agad ang phone ko. Kinuha ko sa bulsa at sinagot.

"Hello?"

"Hans..."

"Gerard?"

Medyo lumayo ako sa pwesto ng kotse at tiningnan si Aria kung nakatingin sa akin.

"Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"Magkasama ba kayo ni Aria?" tanong nya. Tumingin ulit ako kay Aria. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Oo." sagot ko.

"Ikaw na ang bahala kay Aria. Wag mo siyang pababayaan." malungkot niyang sabi.

"She is fine. So be fine. Kamusta si Lolo mo? Did you agree na?" tanong ko.

Hindi sumagot si Gerard sa halip ay pinutol niya kaagad ang tawag. Malungkot ang boses ni Gerard at nanginginig. Kinuha ko na ang mat at bumalik na sa pwesto namin.


"Ang tagal mo naman." sabi niya sa akin pagbalik.

"Sorry hinanap ko pa kasi ito." hinawakan ko ang malong at ibinigay sa kanya.

"Plinano mo ito ano?" sabi niya sa akin.

"Alam ko namang mag-istay tayo ng matagal dito." sagot ko.

Inilatag ko ang mat at humiga. Napataka ang itsura niya sa ginawa ko.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Saan ako diyan hihiga?" tanong ni Aria sa akin.

Ini-stretch ko ang braso ko at tinapik ito. Ngumiti siya at humiga sa tabi ko. Nagulat ako ng bigla siyang yumapos sa akin. Nagkatitigan kami. Ang maganda niyang mukha ang alam ko lang na nakikita ko ngayon.


"Ang dami ng mangga oh!" sabi niya bigla at tumuro sa itaas.

"Oo nga noh. Masarap siguro iyan." sagot ko.

"Hala hindi pa tag-mangga ha, sa summer pa." sabi niya sa akin.

Parehas lang kaming nakatingin sa itaas. Halos walang katao-tao sa sementeryo dahil siguro bago pa ito at iilan pa lang ang nakalibing. From public cementery, pinaliat ni Papa ang puntod ng Daddy ni Aria dito para naman maayos-ayos. May ilan din mga pamilya ang naandito at ang lalayo pa ng agwat. Wala pa rin kasi gaanong nakalibig dito kaya ganun. Maganda naman dito kasi nasa may puno ng mangga. May shade kami katulad ngayon.

"Hans..."

"Oh?" sabi ko.

"Makapasa kaya ako sa Harvard?" tanong niya sa akin.

"Harvard? Oo naman. Matalino ka kaya. Bakit? Nag-apply ka?" tanong ko.

Nakatingin pa rin sya taas pero ako sa kaniya lang ang tingin.

"Oo. School of Medicine. Gusto kong maging Doctor." sabi niya sa akin.

"That is nice. Tingin ko namn kaya mo iyon. Kaya ba aral ka ng aral kasi gusto mong mag-Harvard?" tanong ko.

"Oo. Sana nga palarin ako. Ikaw? Itutuloy mo ba iyong Culinary mo?" tanong niya.

"Oo. Gusto ko. Masarap kaya akong magluto." biro ko.

"I super agree." sagit niya at nagtawanan kami.

Play Music Tulog na Mahal ko

Sandaling tumahimik ang mundo ko. Sana Aria ganito na lang tayo palagi. Nakahiga lang, habang hindi iniisip ang mundo. Ayoko munang isipin kung ano ang kasunod nito dahil ayoko na itong matapos. Nakahiga ka sa bisig ko, magpahinga ka lang. Masyado nang pagod ang mga mata mo lalong lalo na ng puso mo. Proprotektahan kita Aria hanggang kaya ko.

Binago ni Aria ang buhay ko ng sobra-sobra. Mula sa magulo, ginawa niyang makulay ang mundo ko. Aria kung alam mo lang.

Mali bang maramdaman ko ito sa'yo? Mahal na yata kita.


ARIA's POV

Nagising ako pero tulog pa rin si Hans. Bumangon ako at kinuha ang cellphone niya at pinicture-an siya habang tulog. Ang cute ni Hans, para siyang bata. Nag-scan ako sa cellphone niya at aksidenteng nakita ang call logs niya. Tumawag sa kaniya si Gerard kanina? Chineck ko ulit ang date at time. Tama tumawag siya kanina. Pero bakit hindi sinabi sa akin ni Hans? Tiningnan ko siya, mukha namang tulog na tulog. Hindi ko alam ang naiisip ko ng bigla ko na lang pindutin ang kulay berde na telepono. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang itinapat ko ito sa tenga ko.


"Hello?" may sumagot at boses babae. Nanlamig ang buo kong katawan.

"Hello?" ulit pa niya.

"Hoy babae ka bakit mo ba pinapakielaman ang cellphone ko?" isang pasigaw na boses ng lalaki ang napakinggan ko. Nagsimulang pumatak ang luha ko.

"Hans is calling you, so I answered it." sabi ni Cassandra.

"Bwisit ka talagang babae ka! Akin na nga!" hinatak ni Gerard ang cellphone.

"I am your fiance! Do not use me that tone!" sigaw ni Cassandra.

"Shut up bullshit!" sigaw niya. "Hello?"

Halos manigas ako ng mapakinggan ang boses ni Gerard. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko kaya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita.

"Hello? Brod? Hans!" sabi pa niya sa kabilang linya. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Sabi sa'yo e walang nag sasalita." I heard Cassandra again.

I sobbed at tinakpan ko ang bibig ko.

"Tumahimik ka. Baka napindot lang." sigaw ni Gerard at pinatay ang tawag.

Napahawak ako sa bibig ako at ibinuhos ang lahat ng maiiyak ko. Ibinaba ko ang cellphone ni Hans habang parang ilog na rumaragasa ang luha ko mula sa aking mga mata.

"Tahan na."

Isang malambing na boses ang napakinggan ko at niyakap ako. Niyakap ako ni Hans mula sa likuran ko habang hinahaplos ang buhok ko at paulit-ulit niyang sinasabi na tumahan na ako.

"Hans nasasaktan pa rin ako." iyak ko sa kaniya. "Iniwan ko siya. Sumuko ako?"

"Sino ba kasi ang may sabi sa'yo na tawagan mo? Tahan na." sabi niya sa akin.

"Hans iuwi mo na ako." sabi ko sa kaniya.

Pinilit kong tumahan para maging okay ang pakiramdam ko. Pinunasan ko ang luha ko at inalalayan ako ni Hans patayo at inihatid sa kotse.

"Kukunin ko lang yung mat at kumot ha." sabi niya sa akin at iniwanan na ako sa kotse.

Sa buong pag byabyahe namin tulala lang ako. Lutang at hindi alam ang sunod na gagawin.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now