Chapter 36

3.2K 89 4
                                    

Ang chapter pong ito ay dedicated kay Ate BonitaBabyy / si Ate Gaile.

Hi Ate Gaile, salamat sa pagpayag na maging character ko at Ate ni Gerard. :) God Bless. Lovelots.

*****

Hindi ko pa rin maisip ang mga nangyari kahapon. Hindi ko maintindihan, at ngayon, papunta na kami ng airport para ihatid si Ivan. Pagbaba namin ng sasakyan. Isa-isa nya kaming niyakap at pinaka huli si Gerard. Hanggang sa tuluyan ng nagpa alam si Ivan sa amin.

"Haist." buntong hininga ni Jethro.

"Tara na." sabi ni Kyle.

"Saan tayo?" tanong ni Hans.

"Kahit saan." sagot ni Jethro.

"Saan ba yang kahit saan na yan? Favorite place ata sya ng lahat eh." biro naman ni Kyle.

"Ikaw Aria saan mo gusto?" tanong ni Jethro sa akin.

"Kayo bahala wala akong masyadong alam na lugar dito." sabi ko. Tumingin naman ako kay Gerard para tanungin sya. "Ikaw saan mo gusto?" tanong ko.

"Ha? Si Kyle at Jethro maraming alam dyan." masungit na sagot ni Gerard.

*bzzt*

Biglang may tumunog na phone kapaan silang lahat at agad na kinuha ang cellphones nila.

"Hello?" sagot ni Gerard sa tawag.

"Ano? Ngayon na?"

"Fck. Bwisit! Sige! Papunta na! Asar!" bigla nyang ibinaba ang cellphone niya at pinatay ang tawag. Nakatingin lang kaming apat sa kanya.

"We need to go." sabi ni Gerard sa amin sa seryoso niyang boses at mukha.

"Teka? Anong nangyari?" tanong ni Kyle.

"Granny's here." sagot ni Gerard.




Granny? Grandparents nya? Bakit siya nagmamadali? Ano kayang nangyari? Sino yung tunawag? Into masungit one biglang nag shift ang itsura ni Gerard into a serious one.











"Who called you?" tanong ni Hans.

"Si Buttler Lee. Pinatawag ako ni Mama sa kaniya." tumingin silang apat bigla sa akin.

"Oh? Bakit? Ano'ng nagawa ko?" tanong ko.

"Just come with me." hinigit ako ni Gerard bigla at mabilis na naglakad papuntang kotse.

"Gerard ano bang meron?" tanong ko.

"Just come with me."

"Bakit nga?" naiinis kong tono.

"Wag ka ng magtanong pwede?"

"Paanong hindi ako mag tatanong e hindi ko alam ang nangyayari!"

"Fck! Shut Up!" heto nanaman kami sa sigawan namin.










Hindi na lang ko umimik at tumingin na lang sa bintana. Mga isang oras din ang ibyinahe namin kasama na ang short traffics. Pag dating sa kanila nagmamadali siyang bumaba ng kotse at hinawakan niya agad ako sa kamay.

Dire-diretso siyang pumasok sa bahay nila. Agad siyang pinagbuksan ng mga guards sa malaki nilang pinto. May hilera ng mga katulong na isa-isang nag ba bow sa kanya pag nadadaanan namin. Si Buttler Lee ata ang sumalubong sa amin. May pinag uusapan silang hindi ko maintindihan.










"Gerard bilis kanina ka pa hinihintay nila Mama." sabi ni Principal Geo na nakatingin sa amin. Tumingin siya sa akin at saka tumimgin kay Gerard. Bumuntong hininga sya at saka umiling. Bakit? Ano ba talaga ang nangyayari?






The Five Bad Boys and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon