Chapter 47

2.8K 92 8
                                    

GERARD's POV

Nagbakasyon kaming pamilya sa Hawaii kasama ang family ni Kyle at Cassandra. Sabi nila mas okay daw iyon para ma-develop kami ni Cassandra sa isa't isa. Pero lalo lang lumala ang feelings ko kay Aria. Lalo ko siyang namimiss. Sana ayos lang siya. San makapasa siya sa lahat ng scholarships na aapply-an niya. Dati naiinis pa ako kapag hindi siya nagtetext o tumatawag. Pero ngayon pinipilit ko siyang intindihin kahit miss na miss ko na siya. Para rin sa future niya iyon, ang sama lang sa pakiramdam na wala ako doon sa tabi niya para iparamdam sa kaniya ang suporta ko.

Pag-balik ng Pinas, kasama ko na lang ay ang pamilya ko, pamilya ni Cassandra at si Kyle. Umuwi na ng Iowa ang parents at mga kapatid ni Kyle. We tried to call to Ivan pero may pasok siya kaya hindi siya naka-sunod sa Hawaii.

Pagpasok ko ng school, masaya ko sanang babatiin si Aria pero kita ko na hindi siya okay. Parang umiyak siya. May nangyari ba? Gusto ko sana siyang kausapin at tanungin pero umiiwas siya siguro dahil ni Cassandra, ayaw niya ng gulo.

Tinext ko siya na makipag-kita sa akin sa may gym after practice. Hindi ko alam kung pupunta siya o hindi dahil wala siyang reply pero alam kong pupunta siya. May tiwala ako sa kaniya.

Pagkatapos ng practice ay hinintay ako ni Aria sa bleachers. Gustong gusto ko na siyang mayakap at mahagkan noon pero pag-lapit ko sa kaniya para siyang hinang hina at lungkot na lungkot.

"Babylove, tara na? Okay ka lang ba? Parang hindi ka okay. Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

Hindi siya umiimik. Paglabas namin ng gym dahan-dahan niyang binitawan ang mga kamay ko at tumingin sa akin nang na-iiyak?

"Babylove, may problema ba tayo?" tanong ko.

Iimik pa sana ako nang bigla na lamang dumating sila Granny.

"Ilang beses ba namin sasabihin sa'yo na hindi nararapat sa'yo ang babae na yan!" agad sinigawan ni Lola Paula si Aria. Hinakawan ko si Aria ng mahigpit sa kamay.

"Kahit anong sabihin ninyo hindi ako papayag sa kundisyon ninyo." sabi ko.

"Bata ka! Napaka sutil mo talaga!" sigaw ni Lolo Arnold sa akin.

"Disown me if you want pero hinding hindi ko iiwan si Aria." sabi ko.

Bigla na lamang humawak si Lolo sa dibdib niya at unti-unti ay nakaramdam ng sakit.

"Lolo?" napabitaw ako kay Aria para tulungan tumayo si Lolo. "Lo! Tumawag kayo ng ambulansya bilis!" utos ko sa mga body guards.

Mabilis na dumating ang school ambuance at dinala si Lolo sa ospital.

"Kapag may nangyari sa asawa ko, ikaw na babae ka ang mananagot." panduduro ni Lola kay Aria bago sumakay sa sasakyan at sinundan sila sa ospital.

"Everything will be fine. I assure you." sbi ko kay Aria at niyakap siya.

"This is all my fault." sabi niya.

"Wag mo sisihin ang sarili mo." sabi ko sa kaniya at pinapatahan siya.

"No kasalan ko ito." sabi niya. "Gerard, ako ang may kasalanan. Kung hindi ako dikit ng dikit sa'yo hindi mangyayari iyan sa Lolo mo." kahit ano pa ang sabihin niya hindi ko siya iiwan.

The Five Bad Boys and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon