Chapter 4

5.6K 174 17
                                    

Madilim ang eskinita. Sinusundan ko pa rin siya. Hindi naman siya lumilingon sa likod, dahil siguro hindi niya rin gustong malaman kung sino ang nasa likuran niya? Mayamaya pa ay nasa kabilang street na kami. May hagdan pababa siyang dinaanan at nakita kong may pinto roon. Sumisilip lang ako sa kaniya mula sa eskinita. May ipinakita siya sa isang lalaki na mukhang bouncer na naka-itim at pinapasok siya. So parang ticket nila iyon para makadaan? Paano ako makakalagpas sa lalaking iyon eh ang laki-laki niya.

Nagulat na lang ako nang may humawak sa balikat ko. Mapapasigaw pa sana ako nang biglang takpan ng lalaking naka-hoodie ng itim ang bibig ko. Nanlalaki ang aking mga mata nang tanggalin niya angbhoodie at kitang kita ang galit sa mga mata niya.


"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Gerard sa akin.


Sumenyas ako sa kaniya na hindi na ako makahinga at masakit na ang pag-diin niya sa akin sa pader. Huminga ako ng malalim pagka-tanggal niya ng kamay niya sa akin.




"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.

"I should ask you the same question. What are you doing here?" madiin niyang tanong sa akin pero mahina. Tingin siya ng tingin sa paligid, tinitingnan kung may nakakakita sa amin.

"Is this you hobby? Ang maglakad sa gabi?" tanong ko.

"Is this your hobby, to stalk me?" tanong niya.

"Of course not. Kanina nga lang kita nakilala eh." sabi ko sa kaniya. "So tell me what are you doing here? Nagja-jogging lang ako then I saw you. Huwag kang assuming diyan na stalker mo ako." sagot ko at tiningnan niya lang ako. Itinaas pa niya ang isa niyang kilay.

"It's none of your business. Go home." sabi niya sa akin.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Oo."


Matalim ang pagkaka-tingin niya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya.



"Kapag may naka-alam nito, you're dead." cold niyang pagkaka-sabi sa akin.



Bigla akong kinilabutan sa mga sinabi niya. Naramdaman ko ang lamig na nanunuot mula sa salita niya papaunta sa aking mga buto. Kaya ba siya sikat sa school dahil marami ang nakakaramdam ng ganito? Is this fear?



"Okay. But, you have to let me go with you kung ano man ang nandyan sa ibaba." sabi ko sa kaniya.



Wala siyang nagawa kung hindi ang isama ako pababa doon sa aisle. May ipinakita siyang silver na maliit na mukhang lighter sa akin na may naka-ukit na gagambang itim.




"She's with me." sabi ni Gerard nang mapansin niya na naka-tingin ang lalaki sa akin.




Binuksan nung lalaki ang pinto at saka kami pinapasok sa loob. Kaagad kong napakinggan ang sigawan ng mga tao. Maraming kalalakihan ang naandito. Ang lalaki nila, literal. Lalo akong nanliit sa kanila. Si Gerard mga nasa 5"10 ang height ganon din ang iba dito lalo na iyong iba mukhang mga nasa adulthood ages na. Mga matataba at mabalbas at bigote na mga lalaki tapos may mga beer pa silang hawak habang sa gitna ay may nag-wrewrestling na dalawang lalaki. Sugat sugat na ang isa, pero iyong isa mukhang... MUKHANG SI HANS!





"This is what we called a Dead Pool." sabi ni Gerard.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Dead pool as in, nagpapatayan kayo? You will bet the person with a money tapos magpapatayan kayo?" tanong ko.

"Sort of. Hindi talaga patay but paralyzed or in coma."






Tumingin ako kay Hans. Makikita ang galit sa mata niya. Mas malaki siya sa kalaban niya na mukhang nasa middle 20s na pero magaling siya at maliksing kumilos. Naka-shorts skyang black at hugis na hugis ang muscles niya sa hubad niyang katawan. Moreno si Hans. A perfect definition if tall, dark and handsome.






"We have 6 rounds each game. Kung sino ang less injured at the last round is the winner. Usually, comatose and paralyzed na after the game."

"Game? Is this a game to you? Life? Buhay ng mga inosenteng tao?" medyo nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Gerard habang nanunuod kami kasama ang nag-sisisgawan na mga lalaki.

He just looked at me. Nag-lakad siya at sinundan ko lang. Ayoko ngang maiwan sa lugar na iyon. Umakyat kami ng hagdan at doon ko napansin na pa-bilog pala itong lugar. Mukha siyang mini arena na punong-puno ng tao. Mukhang sabungan, tao nga lang ang pinag-sasabungan nila.

Nagulat na lang ako nang may pinto nang binuksan si Gerard. Salamin lang kasi iyon at bigla na lang may pinto. Automatic na umilaw ito nang ilagay ni Gerard ang card sa may parang square sa gilid ng pinto. Pumasok ako sa loob at sumunod siya sa akin. Isinara ni Gerard ang pinto at kita namin sa ibaba ang mga tao pati na rin sila Hans. Umupo siya at nag-bukas ng alak saka isinalin sa maliit na bunog na baso.

"Inosente? Those are ex-convicts and criminals. Hoodlums, members of gangs and mafia families." sabi ni Gerard sa akin. "Iyang kalaban ni Hans, isa iyang serial killer. Isi-silya elektrika na sana kaso nabigyan ng isa pang pagkaka-taon."

"Another chance by risking his life into this thing you called a 'game'?"

"Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon niya? Mas pipiliin mo rin ang mabuhay hindi ba lalo na at may pamilya ka." sabi ni Gerard saka uminom ng alak.

He has a point. Kung mabibigyan din ako ng chance na mas mabuhay ng matagal I would risk it para sa mga mahal ko sa buhay, para mas matagal ko silang makasama. Maybe this is really the rule of survival, you need to kill to live.

Hindi na gaanong pakinig ang sigawan ng lahat dito sa itaas, dahil na rin siguro nung salamin na nakapalibot dito. Tumingin ako kay Hans. Kaagad dumating ang medic at tiningnan kung buhay pa ba iyong nabugbog ni Hans. Kaagad kumuha ng stretcher at mabilis na inilabas ang lalaki. Itinaas ng referee ang kamay ni Hans senyales na panalo siya. May pasa siya sa right cheek pero hindi ganon ka-grabe unlike nung lalaki na binugbog niya. Nag-hagis ng pera ang mga tao sa kaniya.

"Is this what you do for your money? What do you gain here? Sakit lang ng katawan ito eh." sabi ko kay Gerard.

He looked at me saka siya nag-salita. "We gain our money here. Lahat ng miyembro ng Black Widow came from elite families. Hindi basta-basta ang nakakapasok sa lugar na ito. They need an invitation to be a member. Mostly are men." sabi ni Gerard.








Napapa-isip ako sa mga sinabi ni Gerard. Ganun ba talaga ang mga mayayaman na ito? Dito lang nila ibinubuhos ang yaman nila? Dito sila naglalaan ng pera?








"Then why does Hans is there at nakikipagbugbugan? Is this really worth on risking his life?" tanong ko.









Iimik na sana si Gerard nang bumukas ng pinto ng cubicle kung nasaan kami.








"Ikaw?" sabay naming tanong ni Hans sa isa't isa.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now