Chapter 18

3.8K 127 20
                                    

"Mr. Hans Catly."

Bumitaw sila sa isa't isa pag ka announce ng pangalan ni Hans. Ngumiti si Danielle at niyakap si Ivan. Nagbow sila sa isa't isa. They looked perfect for each other. A perfect definition of match made in heaven. Maganda at gwapo, kakaiba ang chemistry nilang dalawa. Walang wala sa akin.

Sumunod naman si Hans.
Pagka upo ni Ivan huminga siya ng malalim at ngumiti sa kaniya iyong tatlo at sinabing 'congrats'.

"Mr. Gerard de Guzman." bumitaw si Gerard sa akin at kumuha ng rose at nakipagsayaw kay Danielle.

Lahat sila niyayakap ni Danielle bago at matapos magsayaw pero kay Ivan lang siya ganun makipagsayaw. Ano bang status nila? MU? Nagliligawan? Pansamantagal Relationship? Ay ewan, bakit ba ang chismosa ko?

"Jai Yen Yen! Aal iz well." sabi ko sa sarili ko habang tinatap ang right chest ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Kyle sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at pinanuod na ulit sila Gerard at Danielle magsayaw.

Nagulat ako ng biglang tabihan ako ni Hans. Hindi ko alam but I get this vibe na medyo off ako sa kaniya. Kasi siguro masungit siya at bully at mean? Nanonood lang din siya kila Gerard at Danielle. Nung matapos na silang magsayaw bumalik na siya sa tabi ko kaya umalis si Hans sa inuupuan niya at bumalik sa pwesto niya.

After ng eighteen roses at eighteen wishes, kumain na kami. SA WAKAS! Dinner na, kanina pa ako takam na takam sa amoy ng mga pagkain dito.

Habang nasa pila kami para kumuha ng pagkain napansin kong maraming nakatingin sa akin. Why? Kasi ba new face ako sa rich society nila? Sa totoo lang nakakailang na maraming mata na nakatingin sa akin. Huminga na lang ako ng malalim. Pagkaupo ko naman nag-dasal ako para kumain. Habang kumakain napansin ko si Danielle na nag-iiikot para magpapicture by table.

"Bugoys!" bati ni Danielle sa kanila pagka-upo namin. "Oh, hi there! I'm Dani and welcome to my birthday party, you must be Gerard's girlfriend? Actually I was a little bit shocked to know the news but hey this guy is a man now."

Teka?! Ako ba 'yung tinutukoy niya? Siguro naman kasi sa akin siya naka-tingin. Girlfriend? Ano? Paki-ulit? Tiningnan ko si Gerard na paty malisya habang iyong apat naman parang gulat na gulat din. Shocks, kainamang pang-aasaran nanaman ito.


"Hi." parang natuyo lahat ng laway ko. Or gutom lang talaga ako? No wonder, natatameme si Ivan kapag kaharap siya.

"Dear, come join us papicture tayo." sabi niya sa akin. "Don't leave your date." tapik niya kay Gerard.

Parang nanghehele ng bata ang boses niya at may powers siya na pasunurin ako sa mga ipag-uutos niya. Grabeng perfection 'to!

Bale, si Kyle tapos si Hans tapos si Ivan, tapos katabi niya si Danielle tapos katabi ko si Danielle sa right tapos si Gerard at si Jethro.

Unang shot pormal pa ang ayos namin. Second shot ganun pa rin pero nararamdaman kong hinahawakan na naman ni Gerard ang kamay ko. What's wrong with him? Too clingy. Third shot nakawacky na kami, nagkaron ako ng dahilan para bitawan ang kamay niya kasi mag po-posing ako. After ng picture umupo na kami para kumain ulit.

"Sweetie, what's your name again?" tanong ni Danielle.

"Aria." sagot ko at ngumiti sa kaniya. "Happy Birthday! Pasensya ka na wala akong gift." sagot ko.

"No big deal, sweetheart. You are such a cute girl. No wonder, napatimo mo itong si Fitz Gerard." sabi ni Danielle. Medyo napapakinggan ko ang French accent niya. Grabe, ang elegante niya kahit naka-upo.

"So kilala mo na pala ang girlfriend ni Gerard?" singit ni Kyle na may stress sa word na girlfriend. Shocks! Bakit ba ganito?!

"Yep. Hindi nga, kaya pala nagpadagdag ng isa pa sa invitation itong si Fitz Gerard is because of you. I asked him pa nga eh if who will she or he be na isasama niya, eh may table naman na kaniya si Kuya Geo, and he can't resist me, so inamin niya." sagot ni Danielle. "Big boy na talaga ang Young Master namin." sabi ni Danielle at pinisil sa pisngi si Gerard na deadma sa usapan.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now