Chapter 15

4.6K 138 20
                                    

GERARD's POV

Ugh! Nakaka-inis talaga ang pag-mumukha niya! Kahapon pa niya ako sinasaktan ah! Hindi na ako natutuwa.

Katulad ng dati, maghapon kaming bangayan ng bangayan ni Dragona. Mukha kasi siyang 'yung mga dragon sa cartoons na bigla na lang umuusok ang bibig, ilong at tenga. Mukha siyang pangit na dragon!

-----

Activity period nga pala mamayang hapon. Mabuti naman para hindi na ako aattend hindi ko na makikita ang pagmumukha ng babae na 'yun. Nung una tuwang tuwa akong inaasar siya kaso nagiging mapanakit na siya, hindi na ako natutuwa. Ang brutal niya. Mukha siyang chiuaua na tahol ng tahol tapos ang liit. Ha! Tama! Mukha siyang chiuaua na aso na ang tapang tapang e ang liit-liit.


"Hoy! Ano'ng student number mo?" tannong niya sa akin.

Nasa ICT kami ngayon at sine-set up niya ang account namin para maka-gamit ng computer. By pairings kasi ang ICT namin. Ang dami-daming units pero by pairs. Tsk! Kakaiba talaga mangurakot si Geoffrey.

Bigla na lang niyang hinila ang ID ko at tingnan ito. Agad ko namang hinaklit sa kaniya. Luh! Ano siya? Hello? Bakit ba siya nangunguha ng ID?



"Hoy, Fritz Gerard Untalan-De Guzman, akin na 'yang ID mo, kinokopya ko na 'yung student number mo." sabi niya at hinila ulit.

Bakit ba parang pataray ng pataray ang babaeng ito?
Well, sa totoo lang about dun sa note, hindi talaga ako 'yun. Ewan kung sino'ng g*go ang nag-sulat nun kay Aria. Pwede ba? Sticky note? Sus! Old school. Bulok!




"Halika." sabi ko kay Aria at hinila siya patayo.

Wala naman kaming ginagawa eh. Nagsa-sign up lang nung accounts tapos hinahayaan na kaming mag computer ni Sir Lopez basta ang importante next meeting may alam na kami how to develop a website kahit simpleng ways lang.



"Teka, saan ba tayo pupunta?" tanong niya.

"Kakain. Nagugutom na ako eh." sagot ko.

"Katatapos lang ng recess ah." sabi niya. Ang daming daldal nakaka-inis.




Inikot niya ang tingin sa paligid. Napa-cringe pa nga siya nang makita sila Hans at Scarlet na naghahalikan sa may likuran ganun din sila Jethro at Charmaine. Si Kyle at si Ivan, busy naman sa pinag-uusapan nila about sa pag-dedevelop ng website. Kaya ito na lang partner ko ang aayain ko. Ayoko pati dito sa ICT room. Wala lang. Ayoko lang. Wala kang ako sa mood.




"Teka lang." sabi niya.

"Bahala ka nga." sabi ko at binitawan siya.



Pero mayamaya ay pakinig kong sumusunod na siya sa akin pababa ng ICT Lab.



"Hoy, Gerard saan ba tayo pupunta? Wala tayong hallway pass." sabi niya habang hinahabol ako palabas ng building.




Dahil wala akong magawa, binilisan ko ang lakad at nagtago ako sa may poste. Patingin-tingin siya sa paligid. Siguradong hinahanap na ako nito. Hihi. Ang cute niya, mukhang t*nga.




ARIA's POV

Baliw talaga! Asan na 'yung lalaki na 'yun? Basta na lang nawawala. Ang bilis naman kasing maglakad, ang haba pa ng bihas niya. Walang konsiderasyon sa kasama. Inaya-aya niya ako palabas ng classroom kasi nagugutom raw siya tapos iiwanan naman ako. TEKA BAKIT NGA BA AKO SUMUNOD SA KANIYA?! Ugh! Fitz Gerard! Uy, akalain mo 'yun? Fitz Gerard pala ang real name niya. Akala ko kasi Baliw Gerard eh. Okay. Corny.

Babalik na sana ako ng ICT lab nang may mapansin akong babae na naka-blue dress na flowy at floral. Naka-shades at posturang postura. Halatang anak mayaman, ang demeur gumalaw. Napaka-charming niya in every way. Maputi, matangkad, sexy, bagsak na bagsak ang itim niyang buhok na hanggang beywang. Para siyang model sa ganda. Is it just me or talagang nag-glowglow siya?






"Dani?!"






Nagulat naman ako sa boses na bigla na lang nagsasalita. Teka! Si Gerard 'yun ah. Lalapitan ko sana siya kaso kausap niya 'yung magandang babae.





"Dani? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Gerard.





Kitang kita ko ang ningning sa mga mata niya at ang tamis ng ngiti niya sa labi. Agad niyang niyakap ang babae at dahan-dahan nitong niyakap si Gerard. Teka? Sino to? Lalapitan ko sana siya kaso nakita kong kausap na niya itong magandang babae. Hmmm... hindi kaya???






"What are you doing here, Fitz Gerard? I'm sure you have a class this time. Go back to your class, now." sabi ng babae kay Gerard.






Ang ganda ng boses niya. Ang hinhin, babaeng babae. Napa-tingin sila sa akin nang maramdaman siguro nila na may naka-tingin sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin kasi nga kaya naman ako naandito dahil ni Gerard tapos makikita ko siya na kasama 'yung crush niya. Luh! Maka-balik na lang sa ICT lab, mapagkamalan pa akong stalker nung crush niya.

Mukha namang wala siyang crush kay Gerard ah. Saka Fitz Gerard ang itinawag niya kay Gerard, may something ba sila? Bakit niya inuutusan si Gerard na bumalik sa classroom?

Hindi ko pinansin si Gerard pero nginitian ako ng babae na kasama niya kaya ngumiti rin ako at nagmadaling tumakbo sa hallway. Tumigil lang ako nung may madadaanan nang classroom, baka kasi ako masita. Wala na nga akong hall pass, tumatakbo pa ako sa hallway.

Medyo sinilip ko pa silang dalawa. Hindi ko gaanong makita ang itsura nung babae, pero maganda siya. Naka-shades kasi eh, mukha talaga siyang model. Mala-beauty queen ang dating. No wonder, magugustuhan nga siya ni Gerard. Huh! Sorry ka na lang, Gerard. Hindi ka niya gusto.

Pag-dating sa ICT lab, nag-search lang ako ng mga pinapa-research ni Sir Lopez kasi walang wala nga akong alam tungkol sa mga web developing na 'yan. Sa lahat talaga ng subjects, hindi ko alam kung bakit sa ICT ako nag-i-struggle. Ewan, nahihirapan ako eh lalo na itong mga codes na nasa harap ko ngayon. Nakakalula!






"Aria, nasaan si Gerard? Magta-time na oh." tanong ni Kyle sa akin. Sila kasi ang katabi namin sa PC unit.

"Ha? May kasamang babae eh. Maputi, maganda, para ngang model. Ewan kung sino 'yun." sagot ko.

"Si Gerard? May kasamang babae?" gulat na tanong ni Kyle. Hindi ba normal sa kaniya na may kasamang babae? Kung maka-react kasi itong si Kyle eh.

"Oo. Hindi ko... ahh! Oo nga, tinawag niyang Dani 'yung babae." sagot ko.

"Dani?" tanong ni Ivan at napa-tingin sa aming dalawa ni Kyle.

"Oo. Dani 'yung tinawag niya run sa babae."





Hmmm, now naiintriga ako sa Dani Girl na ito. Bakit mulat na mulat si Ivan? Agad pa siyang tumayo sa kina-uupuan niya at lumabas ng ICT lab. Sinundan naman siya ni Kyle. Sila Jethro at Hans naman kababalik lang sa likuran ng PC unit namin matapos nilang laplapin yung dalawa naming kaklase. Tsk.





"Oh, pasaan 'yung dalawa? Nasaan si Young Master?" tanong ni Jethro.

"Uh, kasama ni Gerard 'yung Dani. Nung sinabi ko sa kanila bigla na lang silang umalis. Hindi nila sinabi kung saan sila pupunta eh." sagot ko.






Gulat na may halong tuwa ang itsura nila Hans at Jethro. Nagmamadali rin silang lumabas ng ICT lab.

Ngayon, super na-iintriga na talaga ako sa Dani na 'yun. Sino ba 'yun? Oh shocks! Baka crush nilang lima 'yun. GOSH! Hindi naman malabo 'yun, sa sobrang ganda nung babae. Lahat yata ng lalaki magkaka-gusto sa kaniya eh. Mukha siyang Diyosa na bumaba sa lupa.

Sino ba kasi 'yang Dani na 'yan? Bakit gulat na gulat silang malaman na kasama siya ni Gerard? Nakaka-intriga talaga!

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now