Chapter 14

4.1K 141 8
                                    

GERARD's POV

"Hindi ko talaga malaman kung bakit ang init-init ng ulo ng babae na 'yun sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya." sabi ko habang naglalaro kami ng NBA 2k13.

"Ha! Ask Jethro. Siya ang maraming experience diyan." sabi ni Kyle.

"Alam mo, Young Master, iisa lang ang ibig sabihin niyan. Gusto ka ni Aria hindi lang niya alam kung papaano sasabihin sa'yo. Hindi lang siya marunong mag-express kaya siguro ganun siya parang iritado palagi sa'yo." sagot ni Jethro.

"Totoo?" tanong ko.

"Oo, Young Master." sabi ni Jethro.

"Gago bakit kayo tumatawa? Pinagtritripan ninyo yata ako ah." sabi ko.

"Uy gago hindi! Talagang ganun. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib." sagot ni Jethro.






Talaga ba? May gusto sa akin si Aria kaya siya ganun? Alam kong maraming nagkaka-gusto sa akin? Noong second year nga may babae pang ibinalot ang sarili niya at iniregalo sa akin noong Valentine's Day. Paglabas niya sa malaking box may hawak siyang strawberry vanilla cake sa isinupalpal ko lang sa kaniya. Naka-bunny costume pa siya hindi naman Easter Sunday. Ayun, umuwi siyang umiiyak at madungis. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na gawin iyon, nagkusa siya.

Bakit parang na-excite ako? Bakit parang nakakaramdam ako ng sinasabi nilang kilig? Posible ba na gusto ko rin siya? Mayamaya pa ay dumating na si Dragona kasama si Hans. Nakakatuwa talaga siyang asarin at the same time nakaka-asar talaga siya. Ewan, paulit-ulit kasing nagfla-flashback sa utak ko 'yung cupcake na tinapon niya sa sapatos ko. Hindi naman siguro siya bulag para di kami makitang naglalakad.

Ang dami niyang sinasabi, daldal siya ng daldal and the best way para tumahimik ang babae... ayon kay Jethro is this...








"Ooooh!" pakinig kong sabi nung apat.








Humiwalay ako sa kaniya ng dahan-dahan.

Isa







Dalawa







Tatlo








Dum
dum

dum
dum

dum
dum








Teka. Ano 'tong nararamdaman ko?
Sariling pintig ba ito ng puso ko?
Bakit ganito ang tibok ng puso ko?
Bawat segundo, lumalakas.
Ano'ng ibig sabihin nito?
Humiwalay ako sa kaniya at kitang kita ko ang mulat na mulat niyang mga mata. Tahimik siya. Hindi siya umiimik. Ine-expect kong makakatanggap ako ng sampal sa kaniya, galit, sabunot o suntok pero wala. Does this mean?








"Awww!" malakas kong sigaw. "Bakit mo ako sinapak?" naiinis kong sabi sa kaniya habang hawak-hawak ang pisngi ko.

"Bastos!" sabi niya at naglakad na palabas ng bahay.

"Oooh! Not bad for the first time." sabi ni Jethro sa akin at tinapik ako sa braso.

"Gago! Ang sakit." sabi ko habang inaayos ang panga ko.








Tang*nang babae na 'yun, muntik na yatang madislocate itong panga ko sa pag-sapak niya sa akin. Ang liit-liit niya pero ang bigat ng kamay. Agad akong pumunta sa CR para tingnan kung may pasa, buti na lang wala. Gag* talaga!

Napaharap ako sa salamin. Napatayo ako ng tuwid at tiningnang mabuti ang sarili sa harap ng salamin. Matangkad naman ako, maputi, gwapo, ang dami ngang babae na nagkaka-gusto sa akin eh, hindi naman sa pagmamayabang. PERO BAKIT PARANG GALIT NA GALIT SIYA SA AKIN NUNG SINABI NIYANG AYAW NIYA SA AKIN AT HINDI NIYA AKO MAGUGUSTUHAN? ANO'NG IBIG SABIHIN NUN?

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now