Epilogue

206 7 5
                                    

GERARD's POV

First week of June at naandito kami ngayon ni Cassie sa bilihan ng wedding gowns. Isinusukat niyang muli ang gown na susuotin niya sa kasal namin. Habang nagsusukat siya, nasa labas lang ako, naka upo sa sofa at nag c-COC. Mayamaya ay bumukas ang malaking kurtina at lumabas si Cassie suot ang wedding dress niya.

Napatulala ako hindi dahil sa ganda ng wedding gown at ng hubog ng katawan ni Cassie sa gown kundi dahil si Aria ang nakikita ko. Bakit? Kinakalimutan ko na nga siya hindi ba? Pumikit ako at iminulat ulit ang mata ko. Medyo blur sa una pero maya-maya ay luminaw na ulit at si Cassie na ang nakita ko.

"Babe are you okay?" tanong nya.

"Yes babe I'm sorry." sagot ko at ngumiti sa kanya.

Nagpalit na ng damit si Cassie. Bakit ganun? Bakit mukha ko Aria ang nakikita ko? Ay naku naman sumasailalim ba ako sa stages of grief? Baka naman depression? Di naman ako nagluluksa at di rin alo depress. Hay, siguro stress lang ito sa lahat ng mga nangyayari. Next week will be our wedding. Nakaka stress talaga.

Pagkatapos mag sukat nagyaa si Cassie sa Cafè del Jardin para mag unwind. Pag dating doon napansin ko kaagad ang matamlay na si Cassie.

"Babe what's wrong?" tanong ko.

"Nothing." sagot nya in her weak smile.

"Tell me. What do you wnat?" tanong ko.

"Ger, I want to call off the wedding." sabi niya.

"Ha? Bakit? Sigurado ka ba? Baka naman nabibigla ka lang or na i-stress sa mga pangyayari?" I asked her.

"No, no, hindi." ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"E ano? Bakit mo ipapa cancel yung kasal?" tanong ko.

"I'm setting you free. Yes. I love you, given na magpapakasal tayo for the sake of our parents and grannies wishes, pero, napag-isip-isip kong ayokong matali sa isang relasyon na alam kong hindi ako magiging masaya. I want to marry someone who loves me not because of a fixed marriage but because he really loves me." sabi niya.

"E paano natin to sasabihin sa mga magulang natin?" tanong ko.

"They would understand us, yes, they will got mad at us. Pero ikaw tatanungin ko, gusto mo bang magpakasal sa akin? Gusto as in gustong gusto hindi yung okay lang?" tanong nya.

Tumayo ako at nikayap si Cassie ng mahigpit. Tumayo sya at niyakap din ako.

"Thank You Cassie!" sabi ko.

"Thank You rin!" sabi nya habang umiiyak.

Sabay kaming nagsabi sa parents at grandparents namin ng mga gusto naming mangyari. Sa una nagalit sila pero nung inexplain ni Cassie na hindi rin kami magiging masaya sa huli kapag ipinilit nila , lumambot ang puso nila at napapayag namin silang i-call off ang wedding. Pero ibibigay pa rin daw ng pamilya ni Cassie ang napagkasunduang share. Matapos ang eksenang yun may tumawag sa akin bigla.

"I heard the news."

"What news?" tanong ko kay Ate Gaile.

"You and Cassie call off the wedd." sagot nya.

"Ang bilis naman ng balita nakarating agad ng France?"

"E mas mabilis si Geo eh." sagot nya. "Well, Gerard, I am happy for you and proud ako na naglakas loob kang magsabi sa kanila ng totoong gusto mong mangyari sa buhay mo."

"Pero Ate, wala na si Aria sa Boston na sya nag-aaral."

"Willing to wait sir?" tanong nya.

"Salamat Ate. Putcha! I never thought that I would thank you, someday." sabi ko.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now