Chapter 34

3.3K 91 6
                                    

GERARD's POV

Mabuti na lang at bati na kami ni Babyloves. Pero naknangpitumputpitongpato may Henry nanaman! Bwisit tong lalaki na ito ah? Niyaya pa si Aria na kumain sa labas. Buti na lang at kila Aria ako matutulog. Nag text kasi si Tita Rose sa akin na kung pwede ay samahan ko si Aria, may tiwala naman daw sya sa amin. May inaayos lang daw sila ni Tito Raf sa kasal at mga papeles nila kaya medyo gagabihin sya kasi may OT din sya. 6:45 dumating ako kila Aria. Nagulat sya nung makita nya ako. Nagulat sya nungmakita nya na may bag ako. Hindi ata nasabi sa kanya ni Tita Rose.

Puro asaran nanaman kami ni Aria habang naglalakad papunta sa Glimpse. Kinakabahan sya sa itsura nya. Ano ba kasing gusto ng Henry na ito at niyaya pa si Aria? Mabuti naman at naisipan ni Aria na isama ako. Aba, iba na kapag hindi nya ako kasama, baka may masamang mangyari sa kanya.

Pumasok kami sa loob ng Glimpse at agad nakita si Henry. Sus hinilahan pa ng upuan si Aria,nagpapaka gentleman. Gagawin ko rin naman sana yun, naunahan lang ako. Nung maka upo kami hinawakan ni Aria ang kamay ko ng mahigpit binitawan nya lang nung kakain na kami. Aaminin ko, napangiti ako nung oras na yun sa loob-loob ko. At least by that alam kong nire-recognize nya yung presence ko.

Maya-maya nag CR si Aria at kami na lang ni Henry ang natira. Sobra akong na OP sa usapan nung dalawa. Expected ko na yun, marami silang napag usapan tungkol sa past lifes nila at mga pinag daanan sa buhay.

"Gerard right?" tanong nya.

"Yes." maangas na sagot ko.

"How did you met Aria?" amp. Brumi-British accent ang gago.

"Magka klase kami." sagot ko.

"Only this year?" tanong nya.

"Oo." sagot ko.

"Naging kayo na agad within just one month?" gulat na tanong ni loko.

"Oo bakit?" maangas pa rin ang sagot ko sa kanya.

"Do you really love Aria?" tanong nya.

"Oo naman." sagot ko.

"E sya ba mahal ka rin nya?" tanong nya.

Natigilan ako at napa isip. Mahal nga rin ba ako ni Aria gaya ng pagmamahal kp sa kanya o baka naman ako lang ang nagmamahal? Tingin ko oo naman kasi may mga efforts syangbginagawa at napapasaya nya ako. Nararamdaman ko namang mahal nya rin ako, o baka naman ilusyon ko lang yun?

"Are you okay?" tanong ni Henry sa akin na may tinatagong ngiti. Ngiting aso!

"Oo." sagot ko.

"I am Aria's first love." sabi ni Henry.

"Paano ka naman nakaka siguro?" tanong ko.

"Dahil nangako kami sa isa't isa na magpapakasal kami."

"Mga bata pa kayo nun wag kang umasa." napipikon kong sagot.

"Paano kung bumalik sa akin si Aria? Balak ko pa namang sabihin sa kanya ngayon ang lahat. Sabagay maganda na rin na nandito ka para marinig mo ang sagot nya."

"Sagot na?" kumunot ang noo ko.

"Na ako pa rin ang mahal nya at pipiliin nya sa ating dalawa."

Tang inang kontrabida to ah! Naglabas ako ng yosi. Sinita ako nung waiter kaya tumayo ako. Pag tayo ko nakita ko si Aria na pabalik sa pwesto namin at saka ako nagpaalam. Lumabas ako at nag yosi. Iniisip ko pa rin yung sinasabi ni Henry. Baka naman nga napilitan lang si Aria kasi natatakot sya sa akin? O baka naman dahil gusto nya lang ng pampalipas oras? Hay ano ka ba Gerard, mag tiwala ka kay Aria. Mahal ka nun.

The Five Bad Boys and IDär berättelser lever. Upptäck nu