Chapter 1

10.1K 245 26
                                    

Ugh! Kapag naaalala ko talaga ang mga nangyari kanina ay parang gusto ko nang kainin ng lupa sa sobrang kahihiyan. Gusto ko pa naman ng tahimik at payapang buhay lalo pa ngayon at graduating ako. Bawal akong magkaroon ng mga pangit na records, conducts man or academics. Kailangan kong magpaka-bait at magpaka-galing sa pag-aaral if I wanted to become a Doctor. Kailangan ko ng scholarship to help my Mom on our financial status. Gusto kong kalimutan ang mga nangyari kanina but the people around me seems do not. Parang hindi sila maka-move on sa nangyari. Sino ba naman nga kasing baguhan ang kayang gumawa noon?Well, that was an accident. AN. ACCIDENT. Hindi ko sinasadya at bakit ko naman sasadyain ang nangyari, I do not even know that guy; and speaking of that guy, he looks like he is really pissed off sa akin kanina. Sabagay, sino ba naman ang hindi mabwibwisit? Kasalanan ko naman talaga iyon kahit hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko sa harap ng maraming tao. Pero nag-sorry na ako, saka bakit parang tumigil ang oras sa Sullivan Brook High nang mangyari iyon? Parang lahat kami hindi huminga ng mga ilang segundo sa nangyari. Kung magiging famous man ako sa school na ito ayokong makilala as a disastrous person but as a pride to our school. Grabe talaga!

Nang marating ko ang classroom na hinahanap ko ay agad akong pumasok dito at umupo sa may likuran na parte. Last row and last column sa may kaliwang bahagi ng classroom, malapit sa bintana. Medyo dumarami na ang tao sa classroom kasi nag-bell na kanina. Buti na lang talaga tumunog iyong bell kasi kung hindi baka nasapak na ako nung lalaki kanina. Kitang kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Binalot naman ng kilabot ang buo kong katawan noong nakita kong iikom niya ang kaniyang mga kamao. Akala ko talaga sasapakin na niya ako.

Pakinig ko pa rin ang bulungan ng mga kaklase ko at kapag naman napapa-tingin ako sa dumarating sa may pinto ay nakikita ko ang pag-bubulungan nila na minsan pang sumusulyap sa akin. Ahhh! Gusto ko ng tahimik na buhay pwede ba! Bakit ba parang big deal sa kanila iyon? Hindi ba sila makaka-move on? Mayamaya pa ay dumating na rin ang adviser namin. Naka-grey blouse siya, black pencil skirt na above the knee, black heels, eyeglasses at naka-ponytail nang malinis na malinis ang buhok niya. Mukha siyang isa sa mga Kardashian Sisters dahil sa pustura niya at pangangatawan.

"Good Morning class, I am Miss Ariella Javier, your adviser for this school year." sabi niya habang sinusulat ang pangalan niya sa glass board.

Wait. Ngayon ko lang napansin ang glass board na ito. Marahil occupied ako nung nangyari kanina saka naka-takip siya ng white board kaya ngayon ko lang napansin. May projector na built-in sa may kisame ng classroom at ngayon ko rin lang napansin na naka-aircon sila. Sa amin kasi laboratories, offices at clinic lang ang may aircon pero dito mukhang lahat ng classrooms. Pang-mayaman talaga ang school na ito.

"Miss?" napa-pitlag ako nang nakawin ni Ms. Javier ang atensyon ko.

Lahat sila naka-tingin sa akin. Shocks, kanina pa pala ako tinatawag ni Ms. Javier para magpakilala sa unahan. Nahihiya akong tumayo at dahan-dahang nag-lakad papunta sa unahan. Pag-harap ko sa buong klase para akong natutuyuan ng laway. Namutla naman ako nang biglang tumayo ang kaklase kong lalaki at itinuturo ako.

"IKAW?" sabay naming sabi.

Kapag nga naman swine-swerte ka oh. Is this luck or an unfaithful fate? Kaklase ko iyong lalaki na aksidenteng natapunan ko ng cupcake kanina. Oh, great!

"What the fuck are you doing here?" tanong niya sa akin.

Did he say the F word?

"Mr. de Guzman, language!"

Pinag-sabihan siya ng adviser namin. Sino ba siya at kung maka-asta siya parang siya ang may-ari nitong school.



The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now