Chapter 23

3.9K 116 6
                                    

Rise 'n Shine and it's Tuesday. All I know next is I am now here at Ivan Vladimr's house. Pagka bangon ko agad kong inayos ang kama kung saan ako natulog. Si Ivan wala na sa sofa bed. I can hear a sound of a running water. Baka naliligo na 'sya. Nakaka hiya naman na ako na nga yung bisita ako pa yung late nagising.

"Oh gising ka na pala. You fixed yourself and get ready for school. Siguro naman parehas nating ayaw ma late." sabi nya sa akin.

"O-okay."

Nagulat ako kasi bigla na lang nag salita si Ivan at mas ikina gulat ko pa ang itsura nya. Nagpupunas sya ng white towel sa buhok nya and another white towel is hanging on his waist. Drools! Shut it out Aria! Nagmadali na ako sa pag ligo. Habang nasa CR naiisip ko pa rin yung nangyari kagabi. Paano ko haharapin yun? Paano ko haharapin si mommy? Ano nang gagawin ko? Paglabas ko ng CR agad na akong nagbihis ng school uniform. Well, ganyan talaga ang nagagawa ng mayayaman. Instant ang uniform ko sa instant laba nila. Ang suot kong uniform kahapon, nalabhan na agad at napatuyo pa. Plantsado pa ha, san ka pa.

"Okay ka na ba?" tanong ni Ivan sa akin habang nag bre breakfast kami.

"Medyo, salamat Ivan ha." sagot ko. Ngumiti lang sya sa akin at kumain na kami. "Ivan una na ako." paalis na sana ako para pumasok pero pinigilan nya ako. Hinawakan nya ako sa kamay.

"Sumabay ka na sa akin."

"Hala hindi sobra na ang nai-offer mo sa akin, mag ji-jeep na lang ako."

"Please?" so gorgeous Ivan. Why do you have those tantalizing eyes? Wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto nya.

Pag dating naman sa kotse wala kaming imikan. Hindi ko ba alam kung bakit kasi siguro parehas lang kaming tahimik. Parang ayoko na munang umuwi sa amin, gusto ka na muna mapag isa.

"Bros. sup?" biglang may nag salita at may lumabas sa monitor sa kotse.

"Kyle?"

"Aria?" sabay na sabi namin sa isa't isa at gulat na gulat sa nakita namin.

"Anong... ha? wait... Ivan?" sabi ni Kyle na paputol-putol. Hindi sya maka buo ng salita.

"Oh ano?" tanong ni Ivan.

"Why is she with you?" tanong ni Kyle.

"Long story." maiksing sagot ni Ivan.

"Ow." mapang asar na tono ni Kyle. Si Ivan naman nag smirk lang at umiling-iling.

"Grabe ang galing!" sabi ko habang kausap si Kyle sa monitor.

"Ha?Ng alin?" tanong nya.

"Iba talaga nagagawa nyong mayayaman... kahit sa kotse may tv." sabi ko. Tumawa naman ng tumawa si Kyle. "Hoy bakit mo ako tinatawanan ha?"

"Tv?" at tumawa na naman sya ng tumawa.

"Oo TV. Bakit ano ba tawag dyan?" umiling iling si Kyle at tawa ng tawa.

"Wala sige bye na nasa school na pala tayo." nawala na lang si Kyle doon sa monitor. Eh ano ba tawag dun kung hindi tv? Di ba? Small TV.

"Bro!" pagkababa namin ng kotse inakbayan agad ni Kyle si Ivan. Ako naman naiilang sa kanilang lima na tumingin at sa mga taong naka paligid sa amin. Halos magkapalit na ang noo at dibdib ko sa sobrang pag yuko.

"Ooooh alright! Alright!" pumalakpak si Jethro habang papalapit kila Ivan at Kyle at inakbayan din ni Jethro si Ivan.

"Oh anong meron?" tanong ni Hans. Ngumuso sa direksyon ko sila Kyle at Jethro.

"Tsk." naka rinig kami ng isang malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan. Tama, si Gerard yun at dire diretso sya sa paglalakad ni hindi na hinintay yung apat.

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now