Chapter 17

4.1K 138 34
                                    

ARIA's POV

June 28, 2014
6:30 PM
Danielle Andrade's Debut

Sumakay kami sa kotse ni Gerard hanggang sa makarating sa isang napakagandang lugar. Malawak at para kang nasa fairytale yung lugar. May palasyo at yung dinaanan ay parang tulay. Feeling ko nakarating na ako sa Disneyland. Nabasa ko yung nakalagay sa sign board, WELCOME to THE PALACE na nakasulat sa fancy fonts at vintage fairytale color.

"Tara na." sabi ni Gerard sa akin. Pinag buksan ako nung lalaki na naka red na dapat at may sumbrero na black na furry. Okay para syang nasa marching band. Pagka baba ko ng kotse ipwinesto ni Gerard ang braso nya sa akin para doon ako humawak. Lumunok ako at humawak sa kanya.

"Let's go." sabi niya. Pagkabigay ng susi doon sa lalaki ay umakyat kami sa hagdan papasok sa mismong The Palace.

Medyo marami rin yung steps. Habang pa akyat ay nakita namin ang iba pang members ng Phantom Five. Si Hans nakablack tuxedo rin pero iyong sa kaniya parang may glitters.
Si Ivan nakawhite na tuxedo. Tapos sila Jethro ay nakagray at maroon naman kay Kyle. Ang gwagwapo nilang tingnan. Ang elegante. Hindi sila mukhang iyong mga bully ko sa school. Mukha na silang tao.

"Di mo sinabi na magdadala ka pala ng date." pang-aasar ni Kyle sa amin.

"Good Evening mademoiselle." nagbow si Jethro at kinuha ang kamay ko at hinalikan.

"'Wag mo nga siyang hawakan. Tara na." ha? Nagagalit?

Oo nga noh, bakit ngayon ko lang napansin na si Gerard lang ang may kasama sa kanila? Hala ano ba talaga itong pinuntahan namin? Pag tapat namin sa pinto, bumati ng good evening yung lalaki at the same time ay tinanong ang invitation namin.

"Asan iyong invitation?" tanong ni Gerard sa akin.

"Ha? Wait." hinanap ko sa pouch ko iyong invitation at ibinigay doon sa lalaki. Matapos kong ipakita pumasok na kami sa loob.

Sobrang laki nito. Sobrang ganda at sobrang gara.
May malalaking chandeliers, masasarap na pagkain at ang bango dito sa loob.
Hindi malamig, hindi rin mainit.

"Table 5 tayo." sabi ni Hans at sumunod kami sa kanila.

Hinila ni Gerard yung upuan at umupo ako. Nakakapanibago, ang gentle man niya. Siya ba talaga ito? Ano'ng nakain niya? Magkatabi kami sa table tapos katabi niya si Hans, tapos si Ivan, tapos si Jeth at nasa kanan ko si Kyle.


"Bro relax." sabi ni Hans kay Ivan.

"Wag kang kabahan." sabi naman ni Jethro. Ano'ng meron?

Pansin ko nga na hindi mapakali si Ivan kanina pa. Pansin ko rin na kanina pa syang tahimik, parang may malalim siyang iniisip. Nung nagtama ang mga mata namin ngumiti ako sa kaniya para kahit papaano ay kumalma siya. Ngumiti sya sa akin pero pilit. Nasanggi naman ni Gerard ang kamay ko na nakapatong sa table at tiningnan ko siya, ang sama nanaman ng tingin niya sa akin. Ano nanaman bang ginawa ko? Tumayo ako para pumunta sa CR. Ayokong masira ang napaka-gandang gabing ito ng dahil lang kay Gerard. Don't tell me dadayo pa kami ng away dito?

"Saan ka?" tanong niya sa akin habang naka-hawak siya sa braso ko pagtayo ko.

"Cr. Sama ka?" pagtataray ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa akin at pumunta ng CR.

"OMG, is that Aria girl na BFF nung dela Cruz twins? Is she dating our Prince Gerard?"

"Yes Olive, she's really pissing me off." huh?

"But why is he doing that?" tanong nung isa.

"Well maybe because talagang witch lang yung babae na 'yun kaya niya na akit si Prince Gerard. Duh, hindi naman sya papatulan nun. We're more beautiful than her."






The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now