Chapter 11

4.3K 144 8
                                    

ARIA's POV

"Santiago!" may malakas akong boses na napakinggan mula sa likuran ko. Naglalakad ako papasok ng school nang may tatlong lalaki na tumawag sa akin. Tumakbo pa sila papalapit, mga estudyante rin dito.

"Pinapatawag ka ni Young Master." sabi nung isang lalaki.

"Ha? Young Master?" saan ko nga ba--- ah, shocks, oo nga! "Ano raw ang kailangan niya?" kailangan pa talagang ipatawag niya ako sa mga alipores niya?

"Sumama ka na lang sa amin." sabi nung isang lalaki pa.



Hinawakan ako nung isang lalaki sa braso ko kaya agad akong lumayo sa kaniya. Nag-tinginan silang tatlo at umiling lang 'yung mas matangkad.




"Bawal mo siyang hawakan, sabi ni Young Master." narinig kong bulong niya.




Napakamot na lang sa ulo iyong lalaki na humawak sa akin. Nag-cross arms ako at nagtapang-tapangan.




"Hindi ako sasama sa inyo. Marami pa akong dapat gawin." sagot ko at naglakad palayo.

"Hindi raw niya pipirmahan ang clearance mo kapag hindi ka sumama sa amin." sigaw ng isang lalaki kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila.



Nagtitinginan ang mga tao sa amin. Mukha kasi akong may tatlong body guard habang naglalakad. Nasa likod ang isa, ang dalawa naman ay nasa magkabila kong tabi. Sinusundan ko lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may parteng likod ng school. May bahay doon na katamtaman lang ang laki. Kumatok sila at agad naman itong nag-bukas. Lalaki rin na taga-dito sa school ang nag-bukas. Ano ba 'to? Ilan ba ang alipores ng lalaki na 'yun?

Pumasok kami sa loob ng bahay, simple ang dating at napaka-minimalist. May second floor pero siguro mga ten steps lang 'yung hagdan. May aquarium na malaki sa unahan ng malaking bintana, naka centralized aircon, may TV ay sala set at may dining table kung saan kumakain ang limang lalaking ito habang ang mga lalaking alipores nila at nag-iimis ng buong bahay. Seriously?




"Hi Aria! Good morning!" bati ni Kyle.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Jethro.




Napatingin ako bigla kay Ivan na kumakain. Naalala ko ang mga nangyari kahapon. Hindi ko namalayan siguro na nakatulog na ako sa sasakyan. Nagising na lang ako ay nasa kama na ako. Medyo nagutom ako kasi wala pa akong kain, that was around 2am. Pag-bukas ko ng ref may Mango Ice-Cream doon na isang gallon at may note.

Tuwing nalulungkot ako, kumakain lang ako ng ice-cream para maging okay.

Hindi ko alam kung bakit ako napa-ngiti kaya ayun, ice-cream pa lang ang kinakain ko. Tapos heto, makikita ko na sobrang dami nilang kinakain ngayon, may ham, bacon, egg, cheese, fried rice, hotdog, pandesal at kung anu-ano pa. May daing na bangus pang bagong hain lang sa kanila. It's 6:45 in the morning, 7:15 ang start ng classes. Seryoso sila? Mukhang petiks lang sila eh.



"Bakit mo ako pinatawag sa mga alipores mo? Nawalan ka na ba ng paa para ipatawag ako sa ibang tao?" tanong ko.

"Gusto ko. Bakit?" sagot niya. "Saan ka pumunta kagabi?" tanong niya at medyo napatingin ako kay Ivan na kumakain pa rin.

"Umuwi." sagot ko.




Tumingin ako sa mga mata ni Gerard at mukha namang na convinced ko siya sa mga sagot ko. He asks me kung saan ako nanggaling at ano raw ang nga ginawa ko kahapon. I told him umuwi lang ako at hindi na siya nagtanong pa.

Hindi ko rin alam kung bakit parang nahihiya akong sabihin na nakasama ko si Ivan kahapon. Wala naman kaming verbal agreement na bawal ipagsabi ang nangyari, it is just pakiramdam ko lang ayaw niya na may makaka-alam nung nangyari. Isa pa, medyo gusto kong protektahan ang memorya na 'yun kasi gumaan ang pakiramdam ko dahil kay Ivan.

Nauna siyang tumayo at dirediretso sa lababo. Ipinatong niya ang pinggan niya doon at hinayaan na may maghugas nun na alipores nila para sa kaniya. Naka-loose ang uniporme niya, ngayon ko lang siya nakita na ganito ka-messy look at sabog sabog ang buhok but he still looks so cute. May mga tao talaga na kahit ang sabog ng itsura mo sa umaga ang pogi mo pa rin. Iba na talaga ang nagagawa ng pera. Ang messy ng look ni Ivan pero ang linis tingnan. The right kind of messy.

Umakyat siya sa isang kwarto, siguro mag-aayos na siya papasok sa school. Habang ito namang si Gerard ay kumakain pa rin. Si Hans tapos na ring kumain saka si Kyle.





"Papasok na ako, wala akong panahon sa mga laro mo." sagot ko at naglakad palabas ng bahay-bahayan nila.




Nakaka-inis, naiinis ako sa kaniya. Ano ba kasi ang gusto niyang mangyari? Ano bang gusto niyang palabasin? Tsk. Agang aga naiimbyerna ako sa lalaking ito. Whooo! Kalma! Good vibes lang!

Pag pasok ko ng classroom, hindi ko alam pero naka-tingin sa akin ang buong klase. Maaga pa naman ah, hindi pa naman ako late. Bakit sila naka-tingin sa akin? Umupo lang ako sa upuan ko saka nagbasa para sa lessons mamaya. Buti na lang nagising ako kaninang madaling araw at nag gawa ng assignment.

Mayamaya pa ay dumating na silang lima. 7:10 na, five minutes na lang late na sila. Sabagay they do not care about that one. Papasok lang sila kapag gusto nila, lalo na itong si Gerard.

Umupo sila sa mga upuan nila, kami ni Gerard, walang imikan habang sila Kyle, Jethro at Hans kausap na ang ilan naming kaklase. Si Ivan, as usual, naka earphones at naka-ubob sa armchair niya. Gigisingin na lang siya mamaya ni Hans kapag magsisimula na ang klase.






"Ayoko ng inaasal mo." biglang sabi ni Gerard.

"Ha?" Ano raw?

"Bakit ka umalis kanina? Hindi naman kita pinapa-alis ah. Hobby mo ba ang tumakas?" tanong niya.

"Tumakas? Hindi ako tumatakas. Pumunta ako sa classroom kasi baka ako ma late. Ano bang gusto mong gawin ko run? Wala ka namang balak sa akin eh, kaya umalis na ako." sagot ko.

"Exactly! I need your presence. Kailangang nakikita kita." sagot niya.

"Why?" medyo nagtataas na kami ng boses.

"Kasi... basta! Gusto kong nakikita kita lagi. Gusto kong nasa paningin kita. Ayokong may iba na dumidiskarte sa'yo. Paano kung makursunada ka nanaman? Mabuti nga ipinaghiganti kita eh." sagot niya na nagtataas na rin ng boses.

"Ipinaghiganti? Why? Why would yoi even do that? I didn't ask gor your help. I didn't ask for your sympathy kasi kung ganun din lang ang gagawin mo, wag na lang. You almost killed those two guys!"

"Hey, hey, hey! Agang aga LQ." sabi ni Kyle.





Hindi namin napansin na nakatingin na pala sa amin ang buong klase. Para silang nanunuod ng live na teleserye sa away namin ni Gerard. Huminga ako ng malalim at itinuon ang pansin sa binabasa kong lesson.

The Five Bad Boys and IHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin