Chapter 59

114 4 0
                                    

[• CHAPTER 59 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Maganda ang bangon ko kasi walang sumisigaw na Sweet,dun muna kasi siya natulog kagabi sa kanyang unit.

Oh diba! Umuwi pa talaga siya sa unit niya at kagabi niya lang na isipan =_=.

Tinali ko na ang buhok ko saka tumayo na sa kama at niligpit na ito,pagkatapos kong magligpit agad ko nang kinuha ang tuwalya saka pumunta na sa banyo upang magligo.

Pagkatapos kong maligo,lumabas lamang ako na nakatapis dahil hindi ako nag-dala ng damit sa loob.

Naghanap naman ako ng aking maisusuot ngayong araw,sabi kasi ni Yozein pupunta kami sa studio ng Tita Eliz niya dito sa Pilipinas.

Syempre excited ako nuh! Una,Idol na Idol ko Tita niya...pangalawa,magsusuot ako ng wedding gown na ginawa niya para sa Silvester family...like what the heck?! Sino bang hindi matutuwa at mae-excite doon?!.

Nang makapag-desisyon na ako kung ano ang aking susuotin agad na akong bumalik sa banyo at sinuot na ito.

Nang matapos ako agad naman akong lumabas ng banyo at bahagya pa akong napasinghap nang makita si Yozein na nakaupo sa paanan ng kama ko,parang kanina lang wala siya dyan pero ngayon nandito na.

"Ano ka ba naman?! Papatayin mo talaga ako sa nerbyos?!"

"Tigilan mo na kasi ang pag-iinom ng kape"

Inirapan ko lang siya at kinuha ko na ang suklay saka sinuklay ang aking buhok habang naka-harap sa salamin.

"Atsaka,kanina pa ako nagdo-doorbell pero walang sumasagot kaya dumaan na ako sa veranda"

"Nasa banyo ako eh"

"Kita ko nga"

"Yun naman pala eh"

Nilagay ko na ang suklay sa lalagyan nito saka nakangiting humarap sa kanya baka kung bubusangot ako sa kanya baka isipin ng isang 'to hindi ko na naman siya nilalambing *pout*.

"Tara na"

Masayang anyaya ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto ko saka bumaba na kami ng hagdan at tumungo sa main door atsaka lumabas na ng bahay.

Binitawan ko na ang kamay ni Yozein at lumapit naman siya sa pintuan ng kotse saka binuksan ito para sa akin,nagpasalamat naman ako sa kanya at pumasok na.

Pumunta siya sa kabila at pumasok na sa driver seat saka pinaandar na ang makina at nilisan na namin ang lugar.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagda-drive nang maalala kong magtanong sa kanya.

"Nandyan ba mamaya ang Tita mo?"

" *smirk* mukhang sumama ka lang yata para makita mo si Tita"

"Oyy!! Grabe naman nito! Gusto mo bang aatras na lang ako sa kasal?!"

Bigla niyang naapakan ang preno kaya medyo tumalbog yung katawan ko ngunit nabalik din naman dahil sa kumakapit na seatbelt sa akin,buti nalang walang may sumusunod sa amin.

"Wag ka ngang papreno-preno bigla! Gusto mo bang mamatay tayo?!"

"Ams,don't you even dare to cancel the wedding and run away...I swear I'm going to chase you"

Seneryoso niya talaga ang sinabi ko? Nagbibiro lang naman ako dun eh *pout*.

"Wala akong plano nuh! Atsaka ang O.A mo ha....muntik na akong mauntog dahil sa biglaan mong preno"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now