Chapter 30

92 7 0
                                    

[• CHAPTER 30 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Pagkatapos akong ayusan ni Sweet agad na akong lumabas at tumungo na kami sa pagkukunan ng litrato,pumunta na ako sa gitna at pumusisyon na.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Sally at kinuhanan na ako ng mga litrato.

I'm wearing a black and pink sports bra na pinarisan ng black skirt at puti na medyas na hanggang tuhod saka itim na boots,naka-two-ears ang aking buhok at medyo kinulayan ito kanina ni Sweet gamit ang make up kanina kaya mas lalong bumagay parin sa akin.

"Good!! One more!!"

Nag-pose naman ako ulit at natapos na,mabilis naman akong hinila ni Sweet pabalik ng Dressing room.

Nagmamadali kasi ngayon si Sally kaya kailangan naming kumilos ng mabilis.

"Bessywaps,ito na ang susunod...dalian mo na"

"Galit ka parin?"

"Hindi ako magagalit kung hindi ka naduduwag"

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya,hindi naman ako naduduwag eh atsaka ayoko lang naman talaga na lumaki pa ang problema dahil kapag gaganti ako..gaganti din si Natasha so hindi na titigil ang gantihan.

"Wag ka ng ngumuso dyan hindi ka cute,magbihis kana nga"

"Bati muna tayo"

"Ayoko"

"Sige na"

Hinila-hila ko naman ng marahan ang kaniyang braso.

"Sige na,alalahanin mo..nakalimutan nating bumili kanina ng donut"

"Bina-blackmail mo ako ng pagkain?"

"Oo kaya bati na tayo"

"Gawin mong triple para bati tayo"

Nakataas niyang kilay na sabi sa akin,takte!! Mukhang naisahan pa ako ng isang 'to ah.

"Sige na nga"

Sang-ayon ko kahit labag sa aking kalooban.

"Yes! Gotcha!"

Tumalon-talon naman siya,kingina!! Naisahan nga ako.

"Patay gutom ka talaga"

"Pagkain na kaya yun! Aayaw pa ba ako?"

"Syempre hindi,ang takaw mo eh"

"Naman *wink* "

Binatukan ko muna siya saka pumasok na ako ng banyo upang magbihis.

"Kailangan pa talagang may batok?!"

"Baliw ka eh!"

"Grabe ka sa akin ha!"

Natatawa naman akong nagbibihis,nang matapos na ako magbihis agad na akong lumabas ng banyo.

"Chixx na chixx talaga"

"Ang mata mo"

"Minsan lang bessywaps eh"

"Heh! Ayusan mo na ako dali!"

"Oo nga,umupo kana nga dito"

Agad naman akong umupo saka inayusan niya na ako,sa totoo lang ang favorite concept ko talaga ay mga cars.

Pagkatapos akong ayusan ni Sweet agad na kaming lumabas at nasa hallway na kami nagkasalubong naman kami ni Natasha.

Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now