Chapter 46

81 4 0
                                    

This Chapter were dedicated to Klia  Jane Teraytay Escamillan and Jamairah Macarampat (please follow the reply box policy) but still thank you for reading this story and commenting😊😍stay safe guys and enjoy reading💜

------------------------------------------------------

[• CHAPTER 46 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Bakit nandito ang tatlo? Nakakapagtaka naman yata atsaka seriously si Zhion waiter? Si Kive chief habang si Vane costumer?.

Nagpalinga-linga ako at baka makita ko pa ang iba ngunit wala nama.. tanging si Kive,Zhion at Vane lang ang nakikita ko.

Tumayo si Vane sa kanyang inuupuan saka lumipat sa kaharap kong upuan,ito yung pinaka-childish sa kanila at ang pinaka-weirdo pero kung titingnan mo siya ngayon subrang mature niya sa kanyang outfit na naka light brown coat at sa loob nito ay white na v-neck shirt saka light brown pants na pinarisan ng sneakers.

Mas bagay sa kanya kung mature siyang tignan kesa naman sa pagiging isip bata,itinaas niya ang kanyang braso at tiningnan ang kanyang wristwatch saka binaba na ito at tumingin sa akin ng napaka-seryoso.

"It's time to get rest"

Seryosong sabi nito kaya napakurap-kurap naman ako,inuutusan niya ba akong matulog na ng ganito kaaga?.

"It's 6:23 in the evening..so you better get rest...mahaba pa ang byahe ninyo bukas"

Dugtong pa niya na mas lalong nagpakunot ng aking noo,hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi niya.

"Hindi ba kayo babalik?"

"Hindi,ayaw naming makita ikasal si Y sa ibang babae kaya dito nalang kami"

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko,pinipigilan ko na wag umiyak sa kanyang harapan.

Muntik ko ng makalimutan na may dapat pala akong importanteng gagawin bukas.

"Ibalita mo nalang sa amin kung napigilan mo na ang kasal"

Kung sa ganun,tinutulungan nila ako upang matigil ang pagpapakasal ni Yozein sa ibang babae?!.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan saka nagpasalamat sa kanya at pumunta na ako sa aming cabin ni Sweet,pagkabukas ko palang ng pinto agad ko namang nadatnan si Sweet na nilalantakan ang pagkain at kasama niya pa si Judiel?! Kailan pa naging close ang dalawang ito?!.

"Hoy! Kaya pala hindi kana bumalik dun dahil may kasama kana dito ha!"

"Hi! Miss Cruz"

Masayang bati sa akin ni Judiel saka sinubo ang hawak-hawak niyang meatballs,umupo naman ako sa maliit na kama at tiningnan lamang sila na nag-eenjoy kumain.

May mga sariling mundo naman yata ang dalawang 'to at nagsusubuan pa =_=.

"Mag-on ba kayo?"

*cough!*

*cough!*

Tarantang kinuha ni Judiel ang mineral water saka binuksan ito at ibinigay kay Sweet,nang mahimasmasan na siya agad niya naman akong tiningnan.

"Hindi kami mag-on nito ha"

"Oo nga naman,Amanda...little sister lang ang tingin ko sa kanya"

Nakangiting-turan ni Judiel saka hinimas-himas pa ang ulo ni Sweet.

"Baka Aso"

Suhestyon ko naman kaya natawa si Judiel at sinamaan ako ng tingin ni Sweet.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now