Chapter 24

102 5 0
                                    

[• CHAPTER 24 •]

[• 3rd Person POV. •]

Parehong tahimik lang si Yozein at si Kevin,hinihintay lang kung sino ang mauunang magsalita.

Tumikhim naman si Kevin at nag-cross arms sa harapan ni Yozein.

"Mr. Silvester sino kaba talaga? Isang maliit na kompanya lang ang hawak mo at hindi pa kilala kung umasta ka parang may back-up ka ah"

Napa-smirk naman si Yozein sa sinabi ni Kevin.

"Mr. Lim,hindi mo pa nga ako kilala...diba dapat ngayon sinusulba mo ang kompanya ng Zi at ang kompanya ng pamilya mo dahil pinul-out na ni Mr. Y ang kanyang shares?"

Kumuyom naman ang kamao ni Kevin dahil sa sinabi ni Yozein.

"Paano mo nalaman ang tungkol dito?"

"You see Mr. Lim..."

Nilagay naman ni Yozein ang kaliwang kamay niya sa kanyang bewang at tumingin ng seryoso kay Kevin.

"I told you before that I know you're doings Mr. Lim"

Pagak namang napatawa si Kevin saka ginaya ang pangtayo ni Yozein.

"So,your also a stalker Mr. Silvester?"

"Investigating is the right word,why would I stalk the CEO of Lim Corporation when I already know that his using others to climb up to the top? *smirk* "

Mas lalong na inis si Kevin sa sinabi ni Yozein,hindi siya makapaniwala na alam lahat ng lalakeng nakatayo sa harapan niya ang kanyang mga pinang-gagawa.

May malaking rason si Kevin kung bakit niya ginawa yun pero hindi siya papayag na ibubulgar lang ng lalakeng nasa harap niya ang lahat niyang pinaghirapan.

"What do you want,Mr. Silvester?"

"What I want? Hmm..how about stay away from my girl"

"Your girl?!"

Napatawa naman ng malakas si Kevin saka pumalakpak pa ngunit tinaasan lang siya ng kilay ni Yozein.

"Amanda was never been your's Mr. Silvester,dont hallucinate..its bad for your health"

"Maybe Miss Cruz was never mine before but are you sure that her heart was same as before?"

Confident si Yozein sa mga salitang binibitawan niya kay Kevin,hinding-hindi siya magpapatalo sa lalakeng nanakit kay Amanda noon at hinding-hindi niya ibibigay si Amanda sa kay Kevin ngayon.

Gusto niya ng ipakita kay Kevin kung sino talaga siya ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili,gusto niya pang maglaro.

Gusto niya pang magpanggap na isa siyang CEO ng isang maliit na kompanya na hindi man lang kilala ng iba,sa paraang yun makikilala niya ang mga traidor at hindi maaasahan na nakikipag-share sa kompanya niya at sa ilang araw palang nilang pagkakakilala ni Kevin harap-harapan masasabi niyang maraming umatras na makipag business partner sa kompanya niya ngunit dun sila nagkakamali dahil hindi nila kilala ng tuluyan ang CEO ng Silvester Corporation.

Napaigting ang panga ni Kevin dahil sa binitiwang sagot ni Yozein.

"Mr. Lim,I appreciate your visit to my woman and also I will not stop the supply coming from your company...makakatulong pa yan para matakipan mo ang pagkawala ng shares ni Mr. Y"

Inis namang tumalikod si Kevin saka naglakad pabalik sa kanyang SUV at pinaandar ito saka linisan na ang lugar,natatawa namang kinuha ni Yozein si Polar at pumasok na sila sa loob ng bahay.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें