Chapter 53

94 3 0
                                    

[• CHAPTER 53 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Napabangon ako nang biglang nagbukas ang pintuan at pumasok si Sweet.

Umupo siya sa kama na may malapad na ngiti,paniguradong magtatanong na naman ang isang 'to =_=.

"Bessywaps!!! Patingin nga ng singsing!!!"

Nilayo ko naman sa kanya ang suot kong singsing kaya sumimangot siya.

"Napakadamot naman nito pero...ehem!!! Ang bilis naman magkalaman"

Hinampas ko naman siya sa kanyang balikat,nahahawa na ako sa kamanyakan niya eh.

"Walang nangyari"

"Ayt!! Magkwento kana!! Dali na!!"

"Wala nga,misunderstanding lang ang nangyari"

"Weh?! Di nga?! Nako bessywaps!! Hindi mo ako mauuto kaya magsalita kana!"

Napairap naman ako sa sinabi niya,talagang wala namang nangyari sa amin ni Yozein nuh atsaka sabi ko sa kay Yozein kasal muna.

"Wala ngang nangyari...natagusan lang ako kanina nuh atsaka namali lang yung tita ni Yozein"

"Ayyt!!! Speaking of Tita ni Yozein!!! Mygesh!!! Ang swerte mo girl!!!"

Napangiwi naman ako sa sigaw ni Sweet,tinakpan ko naman ang bunganga niya dahil subrang ingay.

Nang huminahon na siya binitawan ko na ang bunganga niya.

"Yuck!! Laway!!"

Pinahid ko sa kanyang damit ang aking kamay na may laway niya,tinawanan niya lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw talaga napaka-chismosa mong babae ka"

"Minsan lang naman eh atsaka mana ako kay kuya"

"Sinong Kuya? Wala ka namang kuya"

"Meron kaya"

"Sino naman ang malas na lalakeng yun?"

Hinampas niya naman ako sa aking balikat dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Grabe ka talaga sa akin,hindi mo na ba ako Love?"

"Asus! Nag-drama kana naman,sino ba kasi yang Kuya mo na yan?"

Napanguso naman siya sa tanong ko at nilaro-laro ang kanyang mga daliri,nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko kung sino ang tinutukoy niya.

Hinampas ko ng malakas ang kanyang hita kaya napadaing siya sa sakit.

"Gaga ka!! Dont tell me na fall ka sa baliw na yun?!"

Hindi niya naman ako pinansin at iniwas niya ang kanyang tingin,hinampas ko siya ulit sa kanyang hita kaya napangiwi na naman siya sa ginawa ko.

"Umamin kana Sweet! Hoy!! Umamin kana!!"

Sinindot-sindot ko ang kanyang tagiliran ngunit kumuha lang siya ng unan saka hinampas sa akin.

"Bat napunta sa akin ang usapan? Nako!! Bessywaps!! Masama magtago bessywaps ha!! Lalong-lalo na positive ka!"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya,anong positive? Sa math ba yang tinutukoy niya?.

"Positive saan?"

Hinampas niya ako ulit ng unan kaya sinamaan ko na siya ng tingin,ang sakit kaya *pout*.

"Tanga lang bes? Positive di mo alam?"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat