Chapter 25

105 3 0
                                    

This Chapter were dedicated to Lj Millares,Eulla Jane Vasquez,Marygrace Tana,Shayla Shayla,Arnee Shane Ramilo-Bañez,Mitzi Gigantone,Jenaica Patawe,Danica Calingacion Sipe,Lee Jung Shin,at Ailene Baraquel Gatong...salamat sa mga comment ninyo at pag-aantay sa mga updates ko💜😍😘

------------------------------------------------------

[• CHAPTER 25 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Nasa labas na kami ng Wickson Restaurant,bumaba na ako ng sasakyan saka nagpaalam na kay Sweet.

Pumasok na ako at bigla naman akong ni-lead ng waiter sa isang private area ng restaurant.

Nasa harap na kami ng isang VIP room,kumatok naman ang waiter atsaka binuksan ito.

"Pwede na po kayong pumasok,Ma'am"

Tumango naman ako at pumasok na sa loob,parang kinabahan naman ako ng makita ko si Yozein na nakaupo sa may dulo ng mesa.

Tumayo naman siya at lumapit sa akin saka hinalikan niya ako sa pisnge,nagulat naman ako sa ginawa niya.

Siya ba ang ka-date ko?! Bat hindi sinabi ni Sweet?! At bakit hindi ko ito naisip?!.

Iginaya naman ako ni Yozein sa may mesa saka ipinaghila na ako ng upuan kaya nagpasalamat na ako at umupo na.

"Ow! And this is yours"

Inabot niya naman sa akin ang tatlong pulang rosas,magka-totoo na ba ang sinasabi ni Sweet?!.

Inabot ko naman ang bulaklak.

"Thanks"

Ngumiti naman siya sa akin at maya-maya pumasok na ang mga waiter at inisa-isang nilagay ang mga pagkain sa mesa at inumin pagkatapos lumabas na sila.

"L-let's eat?"

Tama ba ang narinig ko? Nauutal si Yozein?.

"Yozein"

Tawag ko sa kanya kaya tumingin naman siya sa akin.

"May dapat ka bang sabihin sa akin?"

Mahinahon kong tanong sa kanya,bumuntong hininga naman siya saka tumango.

"Makikinig ako"

"How do I start this?.."

Natahimik naman siya at maya-maya nagsalita na din.

"At first I was just admiring you Ams,alam kong hindi ikaw ang first time na sumisigaw sa akin pero napahanga ako sa mga ginagawa mo and I feel the urge to tease you every day,I like your cheeks when it got red...in fact I like everything about you..I left Philippine for 3 years dahil gusto kitang kalimutan sa pag-aakala kong paghanga lang talaga ang pagtingin ko sayo pero I was wrong...in the past 3 years nag-utos ako ng tauhan na bantayan ka at alamin kung ano ang mga ginagawa mo at nirereport niya ito palagi sa akin kaya nang matapos ko na ang trabaho ko sa Seoul dali-dali na akong umuwi para makita kalang...I'm sorry kumg ngayon ko lang sinabi sayo ang lahat ng ito"

Natameme naman ako ng marinig ko ang mahabang paliwanag niya.

"Tiniis ko na wag aminin muna sayo dahil natatakot akong e-reject mo ako...this is my first confession sa babae kaya natatakot ako na baka layuan mo ako"

Hinawakan niya naman ang aking kamay ng subrang higpit,nanlalamig ito at nanginginig pa.

Kingina!! Kinakabahan nga siya,nakakatawa naman mag-confess ang isang 'to.

"Oyy,wag kang ngumiti...seryoso ako dito oh"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na nga sa harapan niya.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara