Chapter 57

90 5 0
                                    

[• CHAPTER 57 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

~bessywaaaaaapsssss!!!!~

Napabangon ako dahil sa sigaw ni Sweet,kinusot-kusot ko naman ang aking mga mata.

"Ano ba Sweet? Ang aga-aga parang microphone na yang bunganga mo"

Mahaba kong litanya saka nakapikit na tinali ang aking buhok,naramdaman ko namang tinusok-tusok niya ang aking noo gamit ang kanyang hintuturo.

"Nasa baba si Yozy Ka-..."

Mabilis pa sa alas kwatro na nagmulat ang mga mata ko.

"What?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?!"

Natataranta naman akong tumayo saka kumuha ng damit at kumaripas ng takbo papasok sa loob ng banyo.

~kasalanan ko bang tulog- mantika ka?!~

Mabilis lang akong naligo at nagbihis,pagkalabas ko ng banyo agad kong kinuha ang suklay saka sinuklay na ang buhok ko.

"Aba! Parang dati lang halos sinumpa mo na si Yozy pero ngayon halos madapa kana sa pagmamadali para makita lang si Yozy"

"Shhh!! Tumahimik kana,okay na ba ang suot ko?"

Humarap ako ng maayos kay Sweet,nilagay niya naman ang kanyang hintuturo sa kanyang ibabang labi na para bang nag-iisip.

"Dati di ka naman ganyan ka paranoid sa suot mo"

"Wala ka talagang tulong"

Dali-dali na akong lumabas ng aking kwarto at halos liparin ko na ang hagdan papunta sa baba saka dumiretso sa living room pero wala doon si Yozein.

"Sweeeeeeet!!!"

Sigaw ko sa inis dahil sa naisahan niya ako,rinig ko naman ang pagtawa niya sa taas kaya padabog naman akong pumunta ng kusina saka nagtimpla ng kape at pumunta sa Aquarium upang bigyan ng pagkain ang mga isda.

Nang matapos ko na ito agad naman akong pumanhik sa taas at dumiretso sa kwarto ni Sweet.

"Bwesit ka talagang babae ka! Akala ko pa naman nandyan na siya sa baba"

"Bwahahahahaha!! Kailangan na kasi kitang gisingin...halerrr!!! May trabaho pa kaya tayo bessywaps baka nakakalimutan mo"

"Shocks!!! I forgot!! Halika na ang bagal-bagal mo!!"

Nauna na akong lumabas ng kanyang kwarto saka dumiretso ng kusina at nilagay sa cup na may takip ang kape at tumungo na ako palabas ng bahay.

Bubuksan ko na sana ang sasakyan ko ngunit naalala ko pala na nasa kwarto ko pa ang bag ko kaya nilagay ko na muna ang cup sa ibabaw ng kotse at dali-daling pumasok.

Nakasalubong ko pa si Sweet pero hindi ko na siya pinansin,pagkadating ko ng kwarto agad ko namang kinuha ang aking bag at lumabas na.

Naabutan ko si Sweet na nagtitipa sa kanyang cellphone na nakatayo sa gilid ng sasakyan,napansin ko din na wala na ang cup ko.

"Sweet,kinuha mo ba ang cup dito sa ibabaw ng kotse?"

"Hindi,paglabas ko kanina wala ng cup dyan eh"

Sagot niya habang nagpapatuloy parin sa kakatipa sa kanyang cellphone.

Napakibit-balikat na lamang ako at kinuha ang susi sa loob ng aking bag saka binuksan ang kotse.

"Hoy! Kanina kapa dyan nagte-text...male-late na tayo oh!"

"Panira talaga ng moment si Bessywaps oh! Ka-text ko pa si Crush eh!"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now