Chapter 56

85 4 0
                                    

[• CHAPTER 56 •]

[• Yozein Silvester POV. •]

"Yozein,kanina pa ako nababagot"

Nakangusong reklamo ni Amanda,kanina pa kasi kami nandito sa suite dahil tinatamad siya kanina at tinatamad din ako pero nagrereklamo na naman siya.

Inabot ko naman sa kanya ang cellphone ko.

"Aanhin ko yan?"

"Pumasok ka sa loob"

Inirapan niya lamang ako at kinuha ito,nagsimula na siyang pumindot-pindot at hindi na ako pinansin.

Humiga naman ako sa lap niya at pinikit na ang aking mga mata,inaantok parin ako.

*click!*

"Hahahahahaha!! Ang panget mo dito Yoz"

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang pinagtatawanan ang litrato na kinuha niya nang pumikit ako,inagaw ko naman sa kanya ang cellphone.

"Yozein! Hindi pa ako tapos eh!"

"Let me take a picture"

Rereklamo pa sana siya ngunit hinila ko na ang batok niya at hinalikan siya sa kanyang labi kasabay nang pag-click ng camera.

Binitawan ko na siya at tiningnan ang litrato.

"Nice"

Pinitik niya naman ang noo ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Adik ka? Sa isang araw nakakailang halik kana ba?"

Nag-isip naman ako kung nakakailan na ba ako ng halik sa kanya,ngumiti ako sa kanya at sinagot ang tanong niya.

"Hindi ko na maisip"

Napabuga siya ng hangin saka hinimas-himas ang aking noo na bahagya na ngayong namumula dahil sa pagpitik niya kanina.

"Ilang katol ba ang nasinghot mo kaya ka naging adik?"

"Pfft! What kind of question is that Ams?"

"Natanong ko lang,kulang nalang kasi kainin mo na labi ko eh"

Napakibit-balikat ako sa sinabi niya.

" *chuckle* i just can't help myself"

"Ganun?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Bukas pala babalik na tayo"

"Talaga?!"

Gulat niyang tanong saka kumikinang pa ang kanyang mga mata.

"Yep"

"Hala!! Kailangan mag-empake na ako!"

Natatarantang ani niya saka biglang tumayo kaya nabagok ang ulo ko sa sahig,napaupo naman ako saka hinimas-himas ang aking ulo.

"Nakakaloka!! Wala pala akong dinala pagpunta dito!"

Umupo siya ulit sa tabi ko saka tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo.

"Anyare sayo?"

"Edi nabagok"

"Huh? Bakit naman?"

"Psh"

Inis akong tumayo saka pumasok sa kwarto,nataranta lang siya kanina tapos hindi niya na naalala.

Dumapa na ako sa kama saka sinubsob ang mukha ko sa unan,magtatampo na muna ako sa kanya ngayon para lambanginin niya ako hehehehe.

Gusto ko makita ang sweet side ni Amanda,palagi kasi yung napakasungit na Amanda yung nakikita ko eh.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon