Chapter 3

350 12 0
                                    

[• CHAPTER 3 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Lumipas na ang tatlong taon at wala akong balita kay Yozein ang last naming pagkikita ay yung pagbasag niya din ng aking bintana,pagkatapos nun hindi na kami nagkita at wala ng tao sa kanyang bahay.

Na-guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya at balak ko na sana mag-sorry nun kinabukasan pero nang kumatok ako sa kanyang bahay wala ng tao.

Umasa din ako sa tatlong taon na sana magkita kami o magsama sa isang photo shoot pero bigo ako.

Wala ding masyadong balita sa kanya sa dyaryo.

"Bessy!!!!"

Naka-simangot naman akong humarap kay Sweet.

"Bat ganyan ang mukha mo? Nagi-guilty ka parin ba? Hay nako! Yan kasi eh bintana lang pinalaki niyo pa ang problema...nakakalerke kayong dalawa ha,move on girl! Move on! Tatlong taon na nuh"

"Gusto ko parin mag-sorry *pout* binabagabag ako ng konsensya ko eh"

Bumuntong hinanga naman siya at umupo sa  tabi ko.

Nandito kami ngayon sa dressing room at nagpapahinga dahil kakatapos lang ng photo shoot namin.

"Alam mo,kapag babawi yun dapat noon pa...tingnan mo! Diba tatlong taon na pero hindi parin sumusulpot ibig sabihin nakalimutan niya na ang mga bad words na sinabi mo sa kanya"

Pinaglaruan ko naman ang mga daliri ko,baka nga siguro.

Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dapat nga magpasalamat pa ako sa pag-alis niya dahil sa loob ng tatlong taon subrang ganda ng tulog ko palagi at walang may maingay na kapit-bahay.

Tumayo na ako at kinuha ang damit ko saka nagbihis,tapos na ang trabaho namin at kailangan ko ding mang-grocery.

"Oyy!! Bessy!! Dun ako matutulog sa bahay mo ah!"

Lumabas na ako sa banyo pagkatapos kong magbihis,sunod ay binura ko na ang make up ko.

Light make up lang naman ang gamit ko kaya madali lang itong mabura.

"Kahit dun kana nga tumira"

"Wag na,baka may renta eh"

"Loka-loka,kailan ba kita pinabayad sa bawat tulog mo dun,inuubos mo din ang laman ng ref ko"

"Hehehe peace naman,alam mo naman na matakaw ako"

"Oo nga kaya sa susunod lalagyan ko na ng kandado yung ref ko para hindi mo mabuksan"

"Waaaaah!!! Ang sama naman!! Balak mo ba akong gutumin bessy?! Huhuhuhuhu!!"

"Che! Tumayo kana dyan at pupunta pa tayo ng grocery store alam kong uubusin mo na naman eh"

"Ito na nga tatayo na,parang menopausal kana eh"

Kinuha ko naman ang shoulder bag ko at isinukbit na ito habang si Sweet naman isinukbit ang kanyang mga kamay sa aking braso.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata.

"What?!"

"Iiwan mo gamit ko dito?"

"Ayy!! Buti na-alala mo!"

Kumaripas naman siya ng takbo sa couch at kinuha ang bag at tatlong naka-hanger na damit saka lumapit na sa akin.

"Tara na! Gutom na ako eh!"

"Pero ikaw magbabayad ng grocery"

"Ang sama! Libre mo muna ako"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now