Chapter 26

93 4 0
                                    

[• CHAPTER 26 •]

[• 3rd Person POV. •]

Alas dyes na ng gabi ng makauwi silang dalawa ni Amanda at ni Yozein,sa kasalukuyan nasa harap na sila ng bahay ni Amanda.

Lumabas naman si Yozein sa driver seat at pinagbuksan ng pintuan si Amanda,bumaba na si Amanda at nag-pasalamat kay Yozein.

"Goodnight"

"Goodnight Mr. Silvester and thanks for the dinner date"

"Dont mention it Miss Cruz after all I also had fun"

Napatango-tango naman si Amanda at pumasok na ng bahay niya,tumalikod naman si Yozein at sumuntok-suntok sa hangin saka masayang sumakay sa kanyang sasakyan at pinark na ito sa kanyang garahe.

Bumaba na siya at pumasok ng kanyang bahay,napakunot naman ang kanyang noo nang walang Polar ang sumalubong sa kanya.

"Tsk! Kinuha siya siguro nina Mox at Sab" sabi niya sa kanyang isipan at hinubad na ang kanyamg sapatos saka dumiretso sa kanyang warthrobe at kumuha ng pantulog,naglinis muna siya ng kanyang katawan bago pumasok sa kanyang kwarto saka humiga ng kama.

Kinuha naman niya ang kanyang cellphone at nag-text kay Sab.

------------------------------------------------------

To : Sab

Eyy!! I did it...tnx sa pananakot mo XD

------------------------------------------------------

Pinindot naman ni Yozein ang send button at maya-maya lang may natanggap na siyang reply.

-----------------------------------------------------

From : Sab

Ur wc...enjoy

-----------------------------------------------------

Hindi na siya nag-reply pa at pumunta na lamang siya sa Gallery niya saka tiningnan ang picture nila ni Amanda,agad niya naman itong winol-paper at ni-lock screen.

Sa kabilang banda naman nilagyan ni Amanda ng kumot ang kanyang kaibigan dahil nakatulog na ito sa couch nila sa living room at pagkatapos pumunta na siya sa taas upang magbihis.

Nang makapag-palit na siya agad naman siyang humiga sa kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone,first time niyang may picture talaga sila ni Yozein na hindi kuha ng iba.

Pumunta naman siya sa phone book at niregester na ang pangalan ni Yozein saka nilagay niya ang litrato nilang dalawa.

"Hindi naman masama kung ita-try ko ulit atsaka mukhang okay naman maging boyfriend si Yozein eh"

Kausap niya sa kanyang sarili at napatango-tango naman siya.

"Tama-tama"

Nag-open naman siya ng instagram at pinost ang picture nila ni Yozein na may caption na "OFFICIAL DATING" saka tinag niya si Yozein.

"Yun na ang sagot ko sa kanya"

Nilagay niya naman ang kanyang cellphone sa side table saka pumikit na,may trabaho pa siya bukas.

*kinabukasan*

"Bessywaps!!! Gising na!!! Yohoo!!!"

*ting!*

*ting!*

*ting!*

Tarantang napabangon naman si Amanda dahil sa ingay at nakita niya ang kanyang kaibigan sa may bukana ng kanyang pintuan na may dala-dalang dalawang takip ng kaldero.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum