Chapter 5

245 10 0
                                    

[• CHAPTER 5 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Nakarating na kami ng matiwasay sa Marin Beach at nanatiling naka salubong ang aking mga kilay.

Bumaba na kami sa kotse ni Sweet at kinuha na ang mga gamit na nakalagay sa backseat at pumunta na kami sa lobby.

"Bessywaps,ayusin mo yang kilay mo at baka mapagalitan pa tayo ni Madam B"

"Hindi parin ako maka-move on...tignan mo kaya ang suot ko"

"I know pero kailangan smile muna okay?"

Pinisil niya naman ang pisnge ko kaya napahinga na lang ako ng malalim at tumango bilang pag-sang ayon sa sinabi niya.

"Tara na,dalian na natin kanina pa naghihintay sina Madam B sa may dalampasigan"

Kinuha naman namin ang susi sa lobby na pina-reserve ni Madam B para sa amin.

Dali-dali naman kaming pumunta sa aming silid at nagbihis na ako pagkatapos umalis na kami at tumungo sa dalampasigan.

Sakto naman ang dating namin dahil kakatapos lang mag-photo shoot ng ibang model.

"Amanda"

Masayang bati sa akin ni Madam B at nagbeso-beso kami,ganun din sina Sweet.

"Turn ko na ba?"

"Yep,prepare yourself"

"I'm always prepared B"

"Good! So let's start!"

Inalis ko naman ang bathrobe na suot-suot ko kanina papunta dito,ayoko namang mabastos sa daan nuh.

Pumunta na ako sa may tubig at pomusisyon na ang photographer at ibang mga staff.

Nag-pose na ako at kinunan na ng photographer.

Sa pangalawang pose ko naagaw naman ang atensyon ko sa lalaking nakatayo sa may canopy at kumakaway pa ito sa akin.

Ano ang ginagawa niya dito?!.

"Very good!! Another pose Amanda!"

Nag-iba naman ako ng pose at kahit anong iwas ko sa lalakeng yun dun parin pumupunta sa kanya ang paningin ko.

"Nice!! Another one!!"

Tumalikod naman ako sa kanila at pinatagilid ang aking ulo kaya makikita lang nila ang left side ng mukha ko saka tinaas ko ang aking buhok gamit ang mga kamay ko kaya medyo naging magulo ito.

"Perfect!!"

Huminto naman kami sa pagkukuha ng litrato at lumapit sa akin ang ibang staff at inayusan ako at medyo binasa ang buhok ko.

Binigyan ako ng ilang instructions ng photographer at sumang-ayon naman ako.

I'm just wearing a simple black two-piece with a little spark of gold na nag-match naman sa akin.

"Okay!! Back to work Guys!!"

Nakita ko namang kumaway sa akin si Sweet kaya kumaway din ako sa kanya ngunit ng mapansin ko ulit ang lalakeng yun sa may canopy na wala ang ngiti ko at inirapan ang lalakeng yun.

Pumunta na ako sa may tubig na hanggang tuhod ko lang at nag-pose saka sinambyada nila ang tubig sa may likuran ko para maganda ang kuha.

Ilang pose pa ang ginawa ko at sumenyas na ang photographer na mag-break muna kaya lumapit na ako kay Sweet.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now