Chapter 4

274 9 0
                                    

[• CHAPTER 4 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Alas otso na ng gabi at nauna nang matulog si Sweet dahil maaga pa kami bukas aalis para sa beach photoshoot namin ngunit nandito parin ako sa living room at nanunuod ng k-drama.

"Kainis naman ang lalaking 'to *sniff* huhuhuhu!! Hindi ka niya kasi mahal...ano ba?!"

Naudlot naman ang pagsinghot-singhot ko dahil sa nag-doorbell.

Ano ba yan?! Kung saan na nasa rurok na ako ng iyak ko eh,dun pa may magdo-doorbell.

Padabog naman akong tumayo saka pumunta ng main door at binuksan ito.

Pero wala namang tao,tuluyan naman akong lumabas ng bahay saka nagpalingi-lingi.

Bigla namang may tumakip ng bibig ko.

Mama!!! Huhuhuhuhu!! Ano 'to?!! Adultnap ba 'to?! Wala siyang makukuha sa akin!!.

Grabe naman ang piglas ko para makawala sa kanya pero subrang lakas niya.

Nang lumuwag ang pagkakatakip niya ng bunganga ko agad ko siyang kinagat kaya tuluyan niya na akong nabitawan.

"Sweeeet!!!!"

Sigaw ko para magising si Sweet at matulungan ako,Lalapit na siya sana ulit sa akin ng sipain ko siya sa tuhod.

Napatalon-talon siya dahil sa sakit,inalis ko naman ang sumbrero niya.

"Yozein!!"

"After 3 years parang aso kana pala at naninipa na parang kabayo"

Pinaningkitan ko naman siya ng mata at nameywang sa harap niya.

"Hoy Mister! May balak kabang adultnapin ako ha?! Tatawag na ako ng police"

Tumayo naman siya ng maayos saka kinuha sa kamay ko ang sumbrero niya at sinuot ito.

"Edi tumawag ka *smirk* "

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Anyway,sabi ni Nana hinahanap mo daw ako kahapon kaya ako pumunta dito"

"Hinanap?"

Natigilan naman ako,Nana? Siguro siya yung matanda kahapon na pinagtanungan ko.

"Oo,miss mo'ko?"

Napairap naman ako sa tanong niya saka nilagpasan siya.

"Asa ka"

Tuluyan na akong pumasok ng bahay at pinagsarhan siya ng pinto.

Wow!! Over confidence siya ha.

Babalik na sana ako sa living room ng may nag-doorbell ulit at parang sisirain pa ang pinto sa katok.

Nang-iinis talaga ang lalaking yun?!.

Binuksan ko naman ng marahas ang pinto.

"Kapag hindi kana talaga aalis tatawag na ako ng pol-...."

Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil hindi pala si Yozein ang kaharap ko kundi yung matandang pinagtanungan ko kahapon.

Naitikom ko naman ang aking bibig.

Yikes!! Nakakahiya (TT) baka sabihin niya na hindi ako gumagalang sa matatanda.

"Magandang gabi,iha"

"M-Magandang gabi din ho,ano po ang maipaglilingkod ko?"

Itinaas niya naman ang dala-dala niyang topper wear.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon