Chapter 47

83 5 1
                                    

[• CHAPTER 47 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

"Oh My G!!!! Bessywaps!! Alas dyes imponto na!!"

"Malapit na ba tayo Sab? Please...pakibilisan"

Pagmamakaawa ko na sa kanya,kailangan na kailangan ko talagang mapigilan ang kasal.

"Bessywaps,tahan na..Malapit na ba tayo?"

"Malapit na"

Sagot ni Sab,napailing-iling naman ako at napahagulgol sa balikat ni Sweet.

Huli na ako,hindi ko na mapipigilan ang kasal.

Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko na ang mga tunog ng kampana,huminto ang sasakyan ni Sab sa bukana ng simbahan at napakarami na palang tao dahil sa mga kotseng nakaparada sa labas.

"Magsisimula palang ang seremonya kaya nakaabot kapa"

Litanya ni Sab kaya pinahiran ko ang aking mga luha at nagpasalamat sa kanya bago bumaba kasama si Sweet,kahit hirap na hirap na ako sa paglalakad papunta sa taas.

Peste! Bakit ba kasi ang taas ng hagdan?!.

"Dalian mo bessywaps!!"

"Haler?! Kita mo naman diba na nakasaklay ako!"

Napapalundag naman si Sweet habang sinusuportahan ako para hindi ako mahulog sa hagdaan and finally nakarating na din ako na hinihingal pa.

Binuksan ko ang pintuan at sa akin na agad ang atensyon ng mga tao.

"Yozein!"

Pagsigaw ko kaya lumingon ito sa akin pero ang babae hindi.

"Peste! Bakit pa *inhale-exhale* kasi may hagdan * inhale-exhale*dun?! Nakakatangina naman!! Ang hirap-hirap kaya ng sitwasyon ko!! Hiningal pa tuloy ako!"

Pagrereklamo ko,kinalabit naman ako ni Sweet kaya napatingin ako sa kanya.

"Ahh...ahm...bessywaps! Nasa simbahan tayo"

Nagpalinga-linga ako sa paligid at halos lahat ng bisita ay sa akin nakatingin at nagsisimula na silang magbulungan,huminga ako ng malalim saka nilakasan ang loob ko.

"Itigil ang kasal!"

Ubod ng lakas kong sigaw.

"Tama! Itigil ang kasal Yozy!!"

Hinampas ko naman ang balikat ni Sweet kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano ba? Pangalawang boses kita?"

"Ayt!! Hahahaha sorry!!"

Tumingin ako ulit kay Yozein at bahagya ng nakakunot ang kanyang noo.

"Yozein! Umayos ka! Akala ko ba hindi mo ako iiwan ha?! Nagka-amnesia kalang gago k-..."

"Bessywaps,bawal magmura"

"Sorry po"

Paghingi ko ng paumanhin saka nag-sign of the cross at tiningnan ulit kay Yozein.

"Hindi ako papayag na makasal ka sa babeng yan Yozein!"

"At bakit naman?"

Tanong niya saka nag-cross arms,aba! Mas gusto niya pa yatang makasal sa babaeng malandi na yan kesa sa akin eh!!.

"Hoy Mister Silvester! Nagka-amnesia kalang kinalimutan mo na agad ako! Ano ka sinuswerte?! Ako ang tunay na girlfriend mo tapos magpapakasal ka dyan sa hindi mo kilala? Pinaasa mo lang ako eh!! Akala ko sasaluhin mo ako yun pala hahayaan mo lang ako...sige!! Magpakasal ka dyan at kakalimutan ko ng minahal kitang gago ka!..sorry po nagmura naman ako"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin