Chapter 40

87 4 0
                                    

This Chapter were dedicated to Jaika Cordova Rempojo😊💜thank you for your comment and reaction💜😊stay safe😘

------------------------------------------------------

[• CHAPTER 40 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

*after 7 months*

Napabangon naman ako ng wala sa oras dahil sa aking panaginip,sinapo ko naman ang aking ulo.

Anong klaseng panaginip yun? Ang alam ko lang nasa madilim na silid kaming dalawa at naghahalikan ngunit biglang nabasag ang bintana saka wala na akong maalala.

Tiningnan ko naman ang orasan sa aking side table,alas tres na pala ng umaga.

Napabuga naman ako ng hangin saka tumayo sa aking kama at lumabas ng aking kwarto saka pumunta sa baba upang kumuha ng tubig.

Inisang lagok ko naman ang laman ng baso saka bumalik ulit sa taas at pumasok na sa aking kwarto,humiga ako sa kama at pinikit ang aking mga mata ngunit hindi na ako dinalaw ng antok.

Ano ba kasing panaginip na yun? Nahawakan ko naman ang aking labi,posible kaya ang kahalikan ko doon ay nobyo ko?.

Bumilis naman ang pagtibok ng puso ko kaya hinawakan ko naman ang aking dibdib,minumulto niya ba ako? Or sinusundo niya ako (+_+) waaaaaah!!! Wag naman sana!! Maawa naman siya sa akin!!.

Sa loob ng pitong taon,yun palagi ang napapanaginipan ko ngunit hindi ko naman maaninag ang kanyang mukha,nasira ba ang kanyang mukha ng ma-aksidente kami kaya hindi ko makita ang mukha niya?.

Ginulo ko naman ang buhok ko,parang mababaliw na ako sa kakaisip sa panaginip na yun!.

Hanggang sa lumitaw na ang araw gising na gising parin ako at nakahiga lang sa kama habang iniisip ang nasa panaginip ko,maya-maya lang pumasok naman si Sweet sa aking kwarto nang hindi kumakatok kaya binato ko siya ng unan at sinalo niya naman ito.

"Kumatok ka nga kung papasok ka!"

"Oh! Bat ang init ng ulo mo? Oo nga pala tumawag kahapon si Madam B at kinukulit niya ng bumalik na tayo"

"Eh ano sabi mo?"

Pumunta naman siya sa swivel chair saka umupo at pinaikot ito.

"Sabi ko babalik tayo pagkatapos ng buwang ito"

"Okay"

Simpleng sagot ko naman sa kanya at tumayo na saka niligpit ang aking hinigaan.

"At isa pa pala bessywaps!! Dalian mo kumilos! Pupunta pa tayo sa dalampasigan at Magtitinda pa tayo ng isda sa palengke nuh!"

"Sweet ang aga-aga,ang ingay-ingay mo...dun kana nga sa baba at kumain"

Agad naman siyang sumaludo sa akin.

"Aye! Aye! Captain!"

Sigaw niya saka tumayo na at lumabas na ng aking kwarto,napailing-iling naman ako saka kinuha ang tuwalya at pumunta na ng banyo upang maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis,bumaba na ako habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

"Magandang umaga nak"

Bati sa akin ni nanay habang nagbabasa ng dyaryo.

"Magandang umaga din nay..si tatay po?"

"Maaga pang pumalaot,sumunod nalang daw kayo pagkatapos niyong kumain ni Sweet"

"Sige po,kumain na ba kayo?"

"Tapos na ako kaya kayo nalang ni Sweet"

Tumango naman ako kay Nanay saka pumunta na sa hapag at nadatnan kong lumalamon na si Sweet,lumulubo na nga yung bunganga niya dahil sa mga pagkain na nasa loob =_=.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now