Chapter 38

90 4 0
                                    

[• CHAPTER 38 •]

[• 3rd Person POV. •]

Kasalukuyan nang nasa Probinsiya sina Amanda at Sweet,nagbabyahe na sila ngayon gamit ang sasakyan nilang dala.

"Malapit naba tayo?"

"Malayo pa,atat lang bessywaps?"

"Hindi,na-e-excite lang ako"

Napatango-tango naman si Sweet,ibinaling naman ni Amanda ang kanyang paningin sa bintana saka pinanuod ang magandang tanawin.

Maya-maya lang napahikab na siya kaya umayos naman siya ng upo saka pinikit ang kanyang mga mata.

Sa kabilang banda naman kakauwi lang ni Thomas sa unit niya at agad na siyang sinalubong ni Yozein.

"Tol,saan kaba nanggaling? Inip na inip na ako dito sa unit mo nuh"

"Asawa ba kita?"

"Tol naman eh"

Natatawang ginulo naman ni Thomas ang buhok ni Yozein.

"May importanteng pinuntahan lang kami"

"Saan naman? Bat hindi niyo ako sinama? Ang daya niyo ha *pout* "

Mas lalong natawa si Thomas sa reaction ni Yozein,ibang-iba kasi ang Yozein na kaharap niya ngayon kesa noon.

"Wag mo ako tawanan,palagi niyo ba akong iniiwan dati?"

Tumikhim naman si Thomas at nagsalita.

"Hindi,always ka ngang kasama eh ngunit galing kalang sa aksidente kaya mabuti ng naiwan ka atsaka tara na nga ihahatid na kita sa bahay mo"

"May bahay ako?"

Gulat na tanong naman ni Yozein kaya pinitik ni Thomas ang kanyang noo,napahimas-himas naman si Yozein sa kanyang noo na nakasimangot.

"Thomas,sabihin mo lang kung may balak ka pang dagdagan ang amnesia ko ha"

"Haahhaha!! Tara na nga"

Nauna ng lumabas si Thomas at sumunod naman si Yozein.

Pagkadating nila sa bahay ni Yozein agad na pumunta ito sa itaas kaya naiwan naman si Thomas sa may living room.

Nang makapunta si Yozein sa kanyang kwarto,nilibot niya naman ang kanyang paningin saka binuksan ang kurtina.

Tiningnan niya naman ang kabilang bahay at sa veranda nito.

Na-curious naman siya kaya lumabas siya ng kwarto saka bumaba at tumungo sa living room.

Nadatnan niya namang nakaupo si Thomas sa mahabang couch.

"Kaninong bahay yun sa kabila?"

Inangat naman ni Thomas ang kanyang paningin kay Yozein.

"Kay Miss Cruz"

"Miss Cruz?"

Biglang napaatras naman si Yozein at nasapo ang kanyang ulo ng may lumabas na mga imahe.

Napatayo naman bigla si Thomas saka hinawakan siya sa balikat.

"Yozein,may na-aalala kaba?"

Nag-aalalang tanong sa kanya ni Thomas,tinaas naman ni Yozein ang kanyang isang kamay.

"Wala,biglang sumakit lang ang ulo ko"

Umayos na ng tayo si Yozein kaya binawi na ni Thomas ang kanyang kamay na nakahawak sa balikat ni Yozein.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now