Chapter 6

222 8 0
                                    


[• CHAPTER 6 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Nakaupo parin ako sa couch hanggang sa lumitaw na ang araw.

Paniguradong may eye bags na ako!! (TT) kailangan kong gwardyahan sarili ko nuh lalong-lalo na may kasama akong lalake dito.

Tumayo naman ako saka inayos ang buhok ko at tumungo sa pintuan ng kwarto ko.

Pinihit ko naman ang seradura saka sumilip at nakita ko namang tulog na tulog pa ang lalakeng hinayupak na umagaw ng kama ko =_=.

Tuluyan na akong pumasok saka kumuha ako ng aking masusuot sa maleta at pumasok na sa banyo.

Sinigurado kong lock ito baka kasi pumasok siya bigla nuh.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko agad na akong lumabas at tulog parin siya.

Kailangan ko pang kausapin si Sweet =_=.

Pagkalabas ko ng suite agad akong pumunta sa lobby at umupo doon sa isang mahabang couch na naka-dekwatro pa.

Dito ko na hihintayin ang isang yun,akala niya siguro papalampasin ko ang ginawa niya ha.

"Goodmorning Amanda"

Bati sa akin ni Madam B saka umupo sa tabi ko.

"Goodmorning B"

"Napaka-aga mo naman yata ngayon,mamaya pang hapon ang photo shoot"

"Gusto ko kasing maglibot-libot mamaya B"

"Ah ganun ba,mag-breakfast na muna tayo...asan na ba si Sweet?"

"Mauna na kayo,hihintayin ko nalang siya"

"Oh siya sige"

Tumayo naman siya at umalis na.

Ilang minuto lang nakita ko na si Sweet na palinga-linga at hindi mapakali.

Kinuha ko naman ang magazine na nasa isang maliit na table at binuklat ito.

Maya-maya lang malapit na siya sa akin at lalampasan niya na sana ako.

"Sweet"

Tiniklop ko naman ang magazine saka tiningnan siya mata sa mata.

Nag-peace sign naman siya at ngumiti sa akin.

*snap!*

"Oohh?!! Hanggang magdamag ba kayo? Ang laki ng eyebags mo teh!"

Lumapit naman siya sa akin at Sinindot-sindot niya naman ang aking pisnge kaya pinitik ko ang noo niya.

"Aray!! Huhuhuhuhu!! Ang aga-aga bessywaps galit kana *sniff* "

"Binubugaw mo ba ako?"

"Hehehehe..di naman pero parang ganun na nga"

"Sweet!!"

"Oyy!! Shhh! Madaming tao oh atsaka hindi ako maka-hindi sa kanya kagabi eh"

"At bakit naman? Nagpakita ba ulit sayo ng abs kaya hindi ka maka-hindi?"

Tinakpan niya naman ang bibig niya saka tumili.

Kaibigan ko ba talaga 'to?.

"Hoy! Ano?"

"More than that"

Nanlaki naman bigla ang mga mata ko.

"Charot lang! Ano kaba! Grabe naman manlaki yang mata mo,Asa ka pang gagawin ko yun nuh atsaka bessywaps!"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now