Chapter 45

84 5 0
                                    

[• CHAPTER 45 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

"Sweet bilisan mo sa pagda-drive at baka hindi na natin maabutan ang barko"

"Oo na bessywaps ito na...mag-seatbelt ka nga dyan atsaka wag mo ngang itulak-itulak ang balikat ko at baka mabangga tayo....sige ka hindi tayo makakaabot sa kasal at kabaong ang aabutan nating dalawa"

Hinamspas ko siya ng mahina sa kanyang balikat at inilagay na ang seatbelt saka sumandal ako sa upuan,napatingin ako sa bintana ng kotse.

Sana ma-delayed ang kasal please!!! Maawa na kayo sa akin,hindi ko kakayanin kapag nakita ko siyang ikakasal sa iba =_= selfish na kung selfish wala na akong pakialam.

Ano ang magagawa ko kung tuluyan na akong nahulog sa kanya.

Nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko,peste kasing amnesia na yan eh! Kung hindi niya sana sinalo ang bala na dapat ay sa akin,hindi pa sana siya magkakaganoon pero ako naman ang mamamatay.

Napabuga ako ng hangin saka pinahiran ang mga tumutulong luha sa aking pisnge,promise!! Makakalbo ko talaga ang babaeng papakasalan ni Yozein!.

Hindi na ako papayag na may kukuha na naman sa taong gusto ko! Hindi ko na hahayaang gawin nila sa akin yun,masyado na akong nasaktan noon at hinding-hindi ko na hahayaan ngayon!.

Napakuyom naman ang aking kamao habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse,hindi talaga ako magdadalawang isip na kalbuhin at sasapakin ang babaeng yun!.

Argggh!!!! Nang-gigigil ako!! Bakit kasi wala man lang may naaalala si Yozein?! Tangina naman oh!! Gusto niya talaga akong makapatay ng tao!.

"Bessywaps,ahem! Nandito na tayo sa daungan ng barko"

Binaling ko ang paningin kay Sweet saka tinaasan siya ng kilay.

"Ano pa ginagawa mo?"

"Nahuli na tayo ng dating"

"What?!...ouch!"

Sigaw ko sa sakit saka hinawakan ang aking ulo dahil sa biglaang pagtayo ko.

"Bwahahahaha!! Joke lang,nakakuha na ako ng ticket habang nang-gagalaiti ka dyan sa galit"

Inalis ko naman ang kamay ko sa aking ulo saka hinila ang buhok niya,may oras pa talaga siyang magbiro ngayon.

"Aray naman bessywaps!! Gusto mo bang hindi na tayo makasakay ng barko ha?! And goodbye Yozein na?!"

Agad ko namang binitiwan ang kanyang buhok saka napa-cross arm,padabog niyang inayos ang kanyang sarili at pinaandar na ang kotse saka pinapasok na ito sa barko.

Bumaba na kami sa kotse ni Sweet at may kinuha siya sa compartment ng sasakyan,nilabas niya ito saka inabot sa akin.

Tinanggap ko naman ang saklay na inabot niya sa akin at nagpasalamat,pumunta na kami ng cabin namin saka nagpahinga.

Napatingin naman ako sa bintana ng cabin namin at pinagmasdan ang pag-aalon-alon ng dagat,malapit ng maghapon at paniguradong bukas ang dating namin.

Sunod-sunod ang buntong hininga na ginawa ko nang tinawag ako ni Sweet kaya nabaling naman sa kanya ang aking paningin.

"Anong oras na?"

Tanong niya sa akin habang kinukusot-kusot ang kanyang mga mata.

"May relo ba ako?"

"Hehehehe wala nga"

Umayos naman siya ng upo saka may dinampot sa kanyang bulsa at inilabas ang cellphone nito.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now