Chapter 8

161 7 0
                                    

[• CHAPTER 8 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Kanina ko pa hinahalungkat ang mga gamit ko,asan na ba ang phone ko?! Saan ko ba yun naiwan?!.

"Sweet!!"

Lumabas naman ako ng kwarto at hinanap si Sweet pero hindi ko siya makita,saan naman kaya pumunta ang babaitang yun? Palagi nalang siya nawawala.

Bigla ko namang naisip na baka naiwan ko dun sa may canopy,aish!!.

Bumalik naman ako sa loob ng kwarto saka kumuha ng flashlight sa drawer at umalis na ako.

Masyadong madilim sa gilid ng dalampasigan at walang masyadong tao.

Bakit ko pa kasi naiwan sa canopy yung cellphone ko? Napakatanga ko naman para makalimutan yun.

Malapit na ako sa may canopy nang biglang umihip ang malamig na hangin.

Hoo!! Ang lamig,bakit ko din kasing nakalimutan magsuot ng jacket? Parang tanga talaga ako ngayon!.

Pagkadating ko sa may canopy agad kong hinanap ang aking cellphone pero kahit saang sulok hindi ko talaga makita.

Patay! Baka may nakapulot na nun!! Nandun pa naman ang mga importanteng contacts ko!.

"Ano hinahanap mo?"

Napatalon naman ako sa gulat,kingina!! Mamamatay yata ako sa gulat!.

"Hhahahaha!! What a funny reaction Miss Cruz"

Pinulot ko naman ang flashlight na nabitawan ko dahil sa pagkakagulat kanina.

Nang mapulot ko na ito tinutok ko kay Yozein ang flashlight,basang-basa siya.

Naligo ba ang isang 'to sa dagat? Ang lamig-lamig kaya.

"Bat kaba nanggugulat?"

"Ano ba kasi ang hinahanap mo dyan?"

Napa-roll eyes naman ako,tinanong ko siya tapos tanong din ang sinagot niya =_= ang ganda niyang kausap.

"Nawawala ang cellphone ko"

Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

"Nakita mo ba?"

"Nasa suite ko,binigay sa akin ni Sweet kanina dahil nakalimutan niya daw ibalik sayo kahapon"

"Tara na,kunin na natin yun may tatawagan pa ako eh"

Hinila ko na ang braso niya pero pinigilan niya ako.

"In one condition"

"Huh? Akin naman yun bat may kondisyon pa?"

"Nasa akin naman kaya wala ka ng magagawa"

Wow! Bilib din ako sa taong 'to,hindi naman sa kanya pero siya pa ang magpapa-kondisyon,wow na wow! Lessoned learned Amanda WAG NA WAG MO NG KALIMUTAN ULIT ANG MGA GAMIT MO!.

"Ano ba yun?"

"Give me a hug"

What?! Nababaliw na ba siya?! Ni hindi nga kami close pagkatapos nanghihingi pa siya ng yakap?! Halerr!! Ano akala niya sa akin bibigay sa gusto niya?!.

"Asa ka"

"Come on Miss Cruz,I'm freezing"

"Eh sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na maligo sa dagat ha?!"

"Yung kaibigan mong baliw"

Uto-uto din pala ang isang 'to eh,sinunod niya naman ang utos ni Sweet.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon