Chapter 37

82 2 0
                                    

This Chapter were dedicated to HAEEN TRESEMMÉ,Mikah Sophia Castillo,Haydee Gomez,Pa Tri Cia,Faith Ann Duerme Jakosalem,Kean Magsino,at Angels Gawid...maraming-maraming salamat sa pagkomento ninyo at sa pagreact ninyo😊God bless you and stay safe guys!💜😘

------------------------------------------------------

[• CHAPTER 37 •]

[• 3rd Person POV. •]

Sa isang basement na madilim may nakataling babae at lalake dito,duguan ang kamay at paa dahil sa mga bob-wire na ginamit na pangtali sa kanilang kamay at paa.

May mga busal ang kanilang mga bunganga kaya hindi ito makasigaw at makahingi ng tulong.

Naalarma naman ang dalawa nang marinig nila ang yapak na pababa ng basement.

Isa itong babae na may dalang baseball bat at matalim itong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Mr. Lim..since you like to hurt peoples feelings and using them what kind of punishment did you like?"

Tanging mga ungol lang na parang aso ang maririnig sa loob ng basement,ang babae naman na nasa isa pang upuan ay grabe na yung iyak.

Lumapit naman ang misteryosang babae sa kay Mr. Lim at inalis nito ang busal sa bunganga.

"Help!! Help me!!"

Napa-smirk naman ang misteryosang babae na nasa harapan niya at hinawakan ang kanyang panga ng mariin kaya napapangiwi sa sakit si Mr. Lim.

"Kahit sumigaw kapa ng magdamag,walang makakarinig sayo"

Dinuraan naman ni Mr. Lim ang Misteryosong babae sa mukha.

Napatawa naman ng pagak ang misteryosang babae saka hinampas ang binti ni Mr. Lim na para bang bola.

Napasigaw sa subrang sakit si Mr. Lim at mas lalong bumaon pa ang mga talim ng bob-wire sa kanyang paa at kamay.

"Tsk! Tsk! Tsk! Pinaimbestigahan mo nga ang bunso namin pero hindi mo pinaimbestigahan ang mga kasamahan niya,ang tanga mo!"

Sunod naman nitong hinampas ay ang kanang binti kaya napahiyaw na naman ulit si Mr. Lim.

"S-Sino kaba ha?!"

Halos kapusin na sa hinga si Mr. Lim ng tanungin niya ang misteryosang babae.

Nilagay naman ng misteryosang babae ang baseball bat sa kanyang balikat.

"Ako? Ang Grim Reaper mo"

Nakangisi nitong sagot at walang sabi-sabing pinalo ng malakas ang ulo ni Mr. Lim gamit ang baseball bat,rinig na rinig pa kung paano gumawa ng tunog ang pagkabali ng buto sa leeg nito at umaagos na sa tenga nito ang dugo.

Mas lalo pang naiyak ang babae nang makita niyang wala ng buhay si Mr. Lim,naglakad naman palapit sa kanya ang misteryosang babae habang sumisipol pa ito.

Inalisan niya naman ng busal ang babae.

"please!! *hik!* let me go!! I beg you"

Yumuko naman ang misteryosang babae para magpantay ang kanilang mukha.

"Miss Natasha,maganda ka kaso hindi mo ginagamit ang utak mo...ano kaya ang parusa para sayo?"

Inosenteng tanong ng misteryosang babae at umayos na ng tayo saka kumuha ng upuan at umupo kaharap sa inuupuan ni Natasha,mas lalong umiyak pa si Natasha.

"I'm sorry!! Please *sniff* spare me please!! I'll do anything!!"

"Talaga?"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Där berättelser lever. Upptäck nu