Chapter 35

88 4 0
                                    

[• CHAPTER 35 •]

[• Amanda Cruz POV •]

Hindi na ako lumabas ng kwarto nang umalis kanina sina Kive na dala-dala si Yozein,dinalhan na nga lang ako dito kanina ng isang kasambahay ng pagkain.

Pero...diba dapat wala na sila dito dahil gabi na? Baka naman siguro nag-overtime sila.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa side table saka tinext sina nanay at tatay.

------------------------------------------------------

To : nanay

Ma...uuwi po ako dyan pagkatapos ng fashion show...may kasama po ako 👉👈😊

------------------------------------------------------

Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone,9pm na pala...paniguradong tulog na sina Nanay at Tatay.

Binalik ko naman sa side table ang aking cellphone saka pinatay na ang lampshade at ipinikit ang aking mga mata.

Naimulat ko naman ulit ang aking mga mata ng may marinig akong tunog,ano yun?! Shete!! Wag niyong sabihin totoong multo na yun!!.

Dahan-dahan naman akong umupo saka nanginginig ang kamay ko na inabot ang lampshade para buksan ito ngunit may humawak sa braso ko.

Sisigaw na sana ako ngunit tinakpan nito ang aking bibig.

"Shhh...it's me"

Inalis ko naman ang kamay niya na nakatakip sa bunganga ko.

"Bat ka nandito?"

Pumunta naman siya sa kama at humiga sa kanan,tiningnan ko naman siyang nakakunot ang noo.

"I can't sleep"

"Eh ano naman ngayon? Bumalik kana dun baka magwawala naman sina Kive at Thomas kung malalaman nilang nandito ka"

Ngumisi naman siya sa akin na tinaasan ko naman ng kilay.

"They wouldn't know that I was gone"

"At bakit mo naman nasabi?"

"Mga tulog mantika ang mga yun"

Napa-cross arms naman ako.

"Saan ka naman dumaan? Wag na wag mong sabihin sa bintana kana naman dumaan gaya ng ginagawa mo sa bahay"

"Not this time"

"Eh saan?"

Tinuro niya naman ang salamin,Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan ang sinabi ni Manang na may passageway dito.

Sinipa-sipa ko naman siya sa kanyang braso ng mahina.

"Bumalik kana dun"

Hindi niya naman ako pinansin at kinuha ang isang unan saka niyakap ito at pinikit ang kanyang mga mata.

"Hoy..bumalik kana dun"

Hindi niya naman ako pinansin at tinalikuran niya na ako,napabusangot naman ako at humiga nalang saka tumalikod din sa kanya.

Nako! Kapag kami nabesto nina Kive at Thomas bahala talaga siya sa buhay niya.

Pipikit na sana ako nang may naramdaman akong dalawang braso na nakapulupot sa aking bewang,hindi na ako nagsalita pa at ipinikit na lamang ang aking mga mata.

"Ams"

Epal naman nito!! Matutulog na nga ako eh! =_=.

"Ams"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon