Chapter 51

86 4 0
                                    

[• CHAPTER 51 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

*kinabukasan*

Namimilipit ako sa sakit nang bumangon dahil sa sakit ng puson ko,wala naman kaming masyadong ginawa ni Yozein kahapon.

Buong araw nasa loob lang kami ng suite at nag-movie marathon saka tinanggal ko na din ang bandage sa binti ko dahil medyo okay na,yun nga lang paika-ika pa akong maglakad.

Niyugyog ko naman si Yozein dahil sa kumakatok kaya napamulat naman siya ng kanyang mata at kinukusot pa nang bumangon.

"Hmm?"

"Buksan mo ang pintuan"

Nakangiwing utos ko sa kanya kaya tumayo naman siya at lumabas ng kwarto,tumayo naman ako at napatampal sa noo.

Syete!! Natagusan ako!! Puti pa naman ang bedsheet!,napailing-iling nalang ako at paika-ikang lalabas na sana ng kwarto ngunit nagulat ako ng bumukas ito at nagkatinginan kami ng idol ko na fashion designer.

Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa akin at sa bedsheet saka kay Yozein.

Bahagya pa akong napakurap-kurap baka kasi nanaginip lang ako o di kaya dulot lang ng sakit ng puson ko at kung ano-ano na ang nakita ko.

"OMG!! Yozein Silvester!! Magiging lola na ba ako?!"

Tumitili nitong sabi saka dinambahan ako ng yakap,hindi ko yata inaasahan 'to atsaka anong magiging lola na siya? Hindi naman ako buntis =_=.

Napasinghap naman ako ng maalala ko na may tagos pala ang bedsheet at paika-ika pa akong maglakad plus naka-topless lang si Yozein kaya akala niya siguro may ginawa kami!!.

Pilit naman akong napangiti at sasabihin na sana ang totoo pero hinila ako ni Yozein papalapit sa kanya.

"Wag mo ngang mayakap-yakap 'to at baka hindi makahinga...lagot ka sa akin kapag napaano ang baby namin"

Awtomatiko naman akong napanganga,wengya?! Ano na naman ang mga katarantaduhan na lumalabas sa bunganga niya?.

"Hoy Yozein,ang damot-damot mo naman sa magiging asawa mo...atsaka Tita mo ako ha! Wala kang galang isusumbong kita sa eomma mo"

"Sige is-...."

Hindi na natapos ang sasabihin ni Yozein dahil sa may biglang nag-doorbell,umalis naman sa harapan namin ang tita ni Yozein at siya na ang nagbukas ng pintuan.

"Yozein! Ang manager ng Hotel nandito"

"Papasukin mo"

Nahihiyang pumasok naman ang manager at may dala-dala pang plastic,susunod pa sana ang Tita ni Yozein ngunit pinigilan siya nito.

"Dyan kalang Tita,wag kang chismosa ngayon"

"Okay Fine!"

Pagsusuko nito at pumunta sa sala,pumasok naman kaming tatlo sa kwarto at sinarado na ang pintuan ni Yozein.

"Sir,ito na po ang pinabili niyo at nabigay ko na po sa isang staff ang dalawang brand"

Kinuha naman ni Yozein ang kanyang wallet at binayaran ang Manager.

"Triple yan,pakitulungan muna ang fiancee ko at paki sabi na din sa maintenance na palitan ang bedsheet"

"Yes po sir"

Bumaling naman ang paningin ni Yozein sa akin.

"Magpalit ka muna,hihintayin kita sa labas"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now