Chapter 19

110 4 0
                                    

This Chapter were dedicated to Cherry Kim,Kaella Manalo,Jonalyn Diel,An G Ge,Angel Eunice Solomon,Jennifer Sumugat,Princess Sofia,V Kyara Jennie Kim,Mary Ann Dimapilis, at Hanne Misha Bruce...Salamat po sa inyong pagbasa at pagkomento😍😘stay safe po kayo😘😘😘

------------------------------------------------------

[• CHAPTER 19 •]

[• Amanda Cruz POV. •]

Hindi kami dumiretso ni Yozein sa aking kwarto ngunit dumiretso kami sa kwarto ni Sweet,unang katok palang bumukas na agad ang pintuan.

"Ayt! Ano yan?! Kumatok lang kayo dito at ipapakita sa akin na naglalandian kayo ganern?! Lumayas nga kayo dito!! Bitter ako!"

Pinaharap naman ako ni Yozein sa kanya at inalis ang kamay niya na nasa tenga ko kanina.

"Kukunan ko lang kayo ng pagkain,nandon kasi ang mga baliw sa baba"

"Ayt!! Bet ko yan Yozy!!"

Hindi naman siya pinansin ni Yozein at tinap ni Yozein ang aking ulo saka naglakad na siya palayo,hinatak naman ako ni Sweet papasok ng kwarto niya saka dali-dali akong pinaupo sa kama at sinarado niya ang pintuan saka bumalik sa kama at umupo.

"Umamin ka nga! Mag-on na ba kayo for real?!"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Bessywaps! Wag mo nga akong kunutan ng noo!! Sagutin mo yung tanong ko!"

Pinitik ko naman siya sa kanyang noo kaya tumigil siya sa kakasigaw.

"Walang kami,okay?"

Hinampas niya naman ng malakas ang aking braso kaya namula ito.

"Ano yun? Walang kayo pero ang sweet-sweet niyo? Walang ganun bessywaps ha!!"

"Makahampas ka sa akin parang ang laki ng kasalanan ko ah"

Dali-dali naman siyang nag-peace sign.

"Sorry,Oo nga pala anong nangyari kagabi?! Magkwento ka nga!"

"Walang nangyari kagabi,natulog lang kami"

"Wow! Mamatay?"

"Oo kahit mauna ka"

"Ang sama naman! Sige na nga maniniwala na nga ako"

"Ikaw ba yung nagpapasok sa mga taong yun na nasa Dining natin?"

Bigla namang namula ang pisnge ni Sweet at hinawakan niya ito,umaandar na naman ang pagka-malandi niya.

"Hoy!"

Hinampas ko naman ng mahina ang kanyang balikat kaya nabalik siya sa kanyang ulirat.

"Huh? Ah...eh...yung si Kive nakapasok na kasi nung bumaba ako pero yung lima ako na nagpapasok"

"Ano ang ginagawa ng dalawang bilyonaryo dito sa bahay ko?!"

"Haler!! Tanga lang teh? Puro bilyonaryo kaya ang nasa Dining natin ngayon"

"What?!"

Parang nalaglag naman ang tenga ko nang madinig ko ang sinabi ni Sweet,seryoso ba siya sa sinabi niya?! Bat ngayon ko lang 'to nalaman?!.

"Bessywaps,ang bunganga mo pakisara"

Isinara ko naman ang bunganga ko saka humarap kay Sweet.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo"

"Niknik mo bessywaps,hindi ako na-loadan ng unlimited text nuh...atsaka alam mo naman siguro na yung si Zhion top 1,sunod si Kive,Ae,Judiel,Thomas,Vane at yang nobyo mong si Fafa"

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)Where stories live. Discover now