Prologue & Chapter 1

1.4K 23 0
                                    

[ Chapter 1 ]

It was long and tiring day for me, ang dami kong ginawa---mayroong photoshoot dito, photoshoot doon. Lipad dito-lipad doon, subrang nakakapagod kaya deserve kong magpahinga ngayong araw.

Kasalukuyang nagmamaneho ako papunta sa subdivision kung saan ako nakatira, naiwan si Sweet sa opisina dahil may aasikasuhin pa raw siya kaya hinayaan ko na. Sweet Martinez was my bestfriend kaya nagpapasalamat talaga ako na hanggang ngayon magkasama kami sa mga kalokohan at sa trabaho also hindi ko nga alam kung ano ang iniisip ng babaitang yun nang magdesisyon ito na maging P.A. ko sapagkat sa aming dalawa siya yung mayaman. Pasalamat lang talaga kaming dalawa okay lang kina Tito at Tita na sumama sa akin si Sweet kaya ito magkasama kami hanggang sa kamatayan na yata ito.

Pagkarating na pagkarating ko papasok na sana ako ngunit may napansin akong maraming sasakyan na nakapark sa kabilang bahay.

"Bagong lipat?" Tanong ko sa aking sarili at napailing na lamang saka pumasok na sa loob ng bahay, agad na tinungo ko ang aking silid at pasalampak na humiga sa kama.

I miss my bed so much, matagal-tagal ring hindi ako nakapagpahinga ng maayos but before that, kailangan ko munang maligo sapagkat amoy pawis ang damit ko dahil sa siksikan kanina sa airport.

After showering and drying my hair, hindi na akong nagdalawang-isip na humiga sa kama at ipikit ang aking mga mata.

"I should take a vacation soon" I murmured bago ako lamunin ng antok.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. I do all of my morning routines bago bumaba sa unang palapag ng bahay, hindi ko pa nga pala naipapakilala ang sarili ko.

I'm Amanda Cruz currently working as a top model and you can see me on magazines, tv shows, commercials or fashion week. I am also living or not actually living with Sweet kasi may sarili siyang apartment.

"Good morning bessywaps! How's your sleep?" Bungad sa akin ni Sweet habang naglalagay ng mga pagkain sa ibabaw ng lamesa.

"It's quite good" maikli kong sagot sa kaniya.

Sweet smiled at me. "Mabuti naman dahil mamaya pinapatawag na naman tayo ni Bossing para sa bagong photoshoot venue mo"

Napahinga ako ng malalim, I guess my work doesn't end just a few hours.

"Okay, anyway nakita mo ba ang bahay na yan sa tapat natin?"

"Yes, why? Curious ka kung sino ang nakatira?"

"Magtatanong ba ako sayo kung hindi?" Naniningkit-matang tanong ko sa kaniya, minsan talaga may pagkalutang itong si Sweet.

"Ito naman parang hindi mabiro, hindi ko pa nakikita kung sino ang bagong lipat dyan but kanina nakita kong may matandang babae ang lumabas. Katulong siguro kasi nakauniporme ng katulong pero balita ko sa guard kanina pogi daw ang nakatira dyan"

"Wow! Ang aga-aga nag-chismisan na kayo ni Manong Guard?"

"Ofcourse!" She replied and winked at me, napailing-iling nalang ako at itinuon ang aking atensyon sa pagkain.

When the both of us done eating, bumalik na ako sa aking silid upang magbihis. I just wear my blank tank top, white skirt and a sneaker na pinarisan nang handbag saka tumungo na agad sa baba. Sweet was waiting for me at nakabihis na rin ito.

My Naughty Neighbor - (Yozein Silvester Romance  Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara