Chapter 15 : The bridge of fear

418 67 1
                                    

Chapter 15 : The bridge of fear

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 15 : The bridge of fear

Mandy


"'WAG kang gagalaw. Nandiyan sila sa labas." Para bang mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni Diego habang nagtatago kami sa ilalim ng mahabang lamesa. Nakatakip pa rin ang bibig niya sa akin kaya't halos hindi ako makahinga nang maayos.

Without daring to utter any single word, winakli ko ang kamay niyang nakatakip pa rin sa bibig ko. Hindi ko alam kung papaano niya ako nasundan kaagad dito. Siguro'y nakita niya ako kanina nang lumabas ako mula sa monasteryo.

May mga narinig kaming mga nagsasalita at kaluskos mula sa labas kaya't napapikit na lamang ako sa kaba. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Diego na siyang nandito sa labas ngunit kung sino man iyo'y paniguradong malilintikan kaming dalawa kapag nahuli.

I hold my breath as we heard the opening sound of the door. Madilim man ay kitang-kita ko ang dalawang pares ng paang papasok sa library. Siguro'y sila ang mga tagabantay rito. Kainis naman kasi. Kung hindi lang sana pinagdamot sa akin ni Diego 'yung libro na 'yon kanina, hindi ko na sana kinailangan pang sumugod dito upang makuha 'yung libro.

"Saan mo ba tinago kanina 'yung aklat na 'yon?" rinig kong tanong ng isang lalaking may napakalalim na boses. Sa sobrang lalim nito, pakiramdam ko isa siyang sinto-sintong kapag nakaharap ko ay literal na mapapaatras na lamang ako sa takot.

"Ipinatong 'yun ng binata kanina rito sa lamesang 'to, eh. Hindi ko alam kung saan ibinalik ni Roldan pero nasisiguro kong nandito lamang 'yon sa mga rack ng libro," mahinang sagot naman ng lalaking kasama niya.

Nagkatinginan kami ni Diego dahil sa narinig. I'm not sure what they're talking about but it seems it's also the book I was looking for. Ano ba kasing mayroon sa librong 'yon at gano'n gano'n na lamang kahalaga para sa kanila?

Naglakad-lakad pa ang dalawang lalaki sa paligid ng library kaya't hindi ko pa rin magawang makahinga nang maluwag. Dayuhan lang naman ako sa lugar na ito pero bakit kailangan ko pang maranasan na humantong sa ganitong sitwasyon?

"Ano 'yun?" takang sambit ng lalaking may malalim na boses kaya't muli kaming nagkatitigan ni Diego sa gulat. Hindi pa namin nasisiguro kung ano ang tinutukoy nila ngunit napalunok na ako dahil sa naiisip.

"Parang may tao." Napakapit ako sa braso ni Diego at mariin itong pinisa nang marinig ang nagsalitang lalaki. Namataan naming papalapit na silang dalawa sa kinaroroonan namin kaya't hinanda ko na lamang ang sarili ko sa maaring mangyari.

Ilang segundo pa nang papalapit na sila sa amin ay namataan ko ang mahabang baril na siyang hawak-hawak ng lalaki. Mas lalo akong natakot sa nasaksihan lalo pa't wala kaming kalaban-laban ni Diego kung sakali man na mapasabak kami sa gulo.

"Anong ginagawa niyo rito?" Napapikit ako nang marinig ang boses ngunit makalipas ang ilang sandali ay napagtanto kong hindi pala kami ang pinagsalitaan ng lalaki.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon