Chapter 33 : Figure in a green cape

337 50 6
                                    

Chapter 33 : Figure in a green cape

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Chapter 33 : Figure in a green cape

Mandy



"HAVE you packed enough things for a couple of days?"



I was about to plug the left earpiece on my ear when I saw Cristoff turned his glance towards us. Sitting beside our driver Arcen, Cristoff looked at us one by one as if he's analyzing if we really did what he told us to do.



"Kulang na lang isilid ko na ang buo kong kwarto sa maleta ko," mahinang sambit ni Heshella habang nakapwesto na sa backseat ng pickup car na sasakyan namin.



"How about you, Mandy? Nakapagdala ka ba ng gamit na sasapat sa loob ng ilang araw or could be a week?" tanong naman ni Cristoff habang nakasandal ako sa gilid ng kotse sa labas. Hinihintay pa naming dumating ang iba upang makapagdesisyon na rin kung sino ang pupwesto sa loob ng sasakyan at kung sino ang gugustuhing sumakay sa cargo bed ng pickup.



"I think I could just repeat my underwear and wear it twice so I couldn't consume so much of clothes," biro ko na lamang kaya't natawa silang lahat na nasa loob.



Ilang sandali pa ay tuluyan na kaming nakumpleto dahil nagdatingan na sina Cedric, Pancreas at Liver. They're all wearing hoodies as if field trip ang pupuntahan namin. Hindi ko alam kung bakit parang sabik na sabik pa rin sila sa adventure gayong ang pinagdaanan namin noon ay isang napakalaking adventure na para sa akin.



"Hoy, Arcen! Ayusin mo ang pagdadrive. Tandaan mo, pahiram lang sa atin 'tong sasakyan," paalala ni Heshella nang isa-isa na kaming pumwesto sa kani-kaniyang uupuan.



Napagkasunduan naming apat na magkakaibigan na kami na lamang ang pumwesto sa cargo area ng pickup since matagal ko na talagang gustong bumyahe at sa parteng iyon sumakay. Ayoko rin namang magtiis sa loob na kasama si Heshella at ang paglalandian nila ni Cedric kaya hinayaan na lang namin sila doon.



"Fasten your seat belts! We'll go on a long travel," sigaw ni Cristoff mula sa loob hudyat na papaandar na ang sasakyan kaya imbis na maglagay kami ng seat belt dahil nasa labas naman kami, tumayo na lamang kami sa cargo bet at sinalubong ang hangin habang bumabyahe.

▬▬▬

UNTI-UNTI na naming nasisilayan ang liwanag at halos tatlong oras na yata kaming bumabyahe. Parang hindi nangangawit sa pagtayo ang tatlo kong kaibigan dahil magpahanggang ngayon ay sinasalubong pa rin nila ang hanging tumatama sa kanila habang umaandar ang sasakyan. I wonder how much dust ang tumama na sa balat at damit nila.



"Do you think we'll find the book?" Namalayan ko na lamang na nakaluhod na pala si Ovary sa tapat ko habang may seryosong tingin sa akin. Sinabihan ko siyang umupo na lamang sa tabi ko at sabay naming silayan ang napakapayapang paligid na aming dinaraanan habang sumisikat na rin ang araw.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Where stories live. Discover now