Chapter 22 : The goner

333 55 1
                                    

Chapter 22 : The goner

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Chapter 22 : The goner

Mandy


UNTI-UNTI ay pinilit kong ibukas ang mga talukap ng mata ko. I can feel the heavy objects above my body. Preventing from inhaling the dust and dirt surrounding in me, I breathe as I tried to crawl in between the surfaces above and below me. Gustohin ko mang i-angat ang sarili kong katawan, hindi ko magawa dahil sa bigat ng kung ano mang bagay ang nakapatong sa akin.



I want to scream for help, beg people to get these objects out of my pathetic body. But all I could do was cry. Sa kabila ng hirap, pinilit ko pa ring gumapang kahit pa pakiramdam ko'y hindi naman ito nakatutulong sa akin.



Nararamdaman ko na ang pananakit ng likod ko at maging ng tuhod ko na tila ba nagagasgas na dahil sa walang humpay na paggapang. Nagpatuloy lamang ako sa paggawa ng paraan upang maialis ang sarili ko sa pagkaipit subalit para bang tinatamaan na ako ng pagod at pagdadalamhati.



Paulit-ulit kong sinubukang i-angat ang sarili kong katawan ngunit hindi sapat ang lakas na mayroon ako upang mai-alis ang mabibigat na bagay na siyang humahadlang sa akin upang maging malaya. Huminto na ang lindol ngunit ang epekto nito'y patuloy pa ring nagdudulot ng pagdurusa sa akin at sa mga kaibigan ko.



Dala ng labis na pagod ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong huminto na sa paggapang. I laid my face on the floor as tears flow down to my face. Pakiramdam ko, sa lahat ng pinagdaanan ko, ito ang hindi ko na kayang malampasan.


"God, please help me.." ang tangi ko na lamang nasambit sa kabila ng walang humpay na sakit at paghihirap na aking tinamo.



If we are really inside a book, I just pray that the author himself does something regarding this. We might not be originally part of the book pero kung magkakaroon man ng plot twist o hindi naman kaya'y pangyayaring makapagbabago sa kinahantungan namin, sana mangyari na agad bago pa mahuli ang lahat at hindi ko na kayanin pang lumaban.



Pakiramdam ko'y bumabagsak na naman ang mga talukap ng mata ko ngunit pinilit ko pa rin itong labanan. Paulit-ulit akong napapapikit at hindi rin ako tumitigil sa paggawa ng paraan upang manatiling nakamulat.



I kept doing those things until I heard something that suddenly boosts my modality. Base sa naririnig ko, parang may nag-aangat ng mga yerong nakapatong kaya para ba akong biglang nagkaroon ng pag-asa.



"Tulong!" Sa abot ng makakaya ay sumigaw ako nang malakas upang marinig ng kung sino man ang nag-aangat ng mga debris.



People always tease me because of my name. They tend to call me a "mandirigma" when in fact, I never see myself as a warrior who can fight for her life whatever it takes. All my life, I always see myself as a weak coward girl who has never been recognized.


"Mandy?" Narinig ko ang boses ni Cedric kaya naman para akong nabuhayan at pinagkakalampag pa ang mga bagay na nasa ibabaw ko.


Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang sa tuluyan ko nang marinig na isa-isa nang tinatanggal ang mga nakapatong na kisame at bubong. Hindi ako tumigil sa pagkakalampag hanggang maramdaman ko na rin na unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ko. Para bang sa isang iglap, agad akong nakabawi ng lakas.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt