Chapter 12 : Vintage

479 91 3
                                    

Chapter 12 : Vintage

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Chapter 12 : Vintage

Mandy

Napasinghap ako dahil kanina pa tumatama sa talukap ng mga mata ko ang liwanag na nagmumula sa kalangitan. Hindi pa man tuluyang naibubukas ang mga mata, para bang may ideya na ako sa itsura ng paligid ko.

I can hear the sound of splashing water comes from the creek beside me. Ramdam ko ang malalambot na damong hinigaan ko at sumalubong sa akin ang asul at maulap na kalangitan nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko. The entire place screams nothing but peace. Naguguluhan man, humahangos akong tumayo at inilibot-libot ang paningin upang mas maliwanagan sa lugar na kinahantungan.

The area is different compared to Vitrum Aqua. Ibang-iba rin ito sa islang pinanggalingan ko kung saan natagpuan ko si Gareth. Hindi ko alam kung saan na naman ako napadpad.

Nais kong magkaroon ng kasagutan kaya naman taas-noo akong tumayo at pinagpag ang likuran. Nagsimula akong humakbang palayo sa lugar kung saan ako nagising.

Habang unti-unti akong nakakalayo ay para bang nakakarinig ako ng mga kakaibang tunog na parang nanggagaling sa malayo. Malabo pa ito't hindi pa ako nakasisiguro subalit determinado pa rin akong magkaroon ng kasagutan.

Pinagmasdan ko ang paligid. Unti-unti, nakakapansin na ako ng mga kabahayang gawa sa kahoy at ilang mga establismento. Hindi ko alam kung bakit parang napakapamilyar ng paligid. Pakiramdam ko, nakarating na ako sa lugar na ito subalit hindi ko makumpirma kung kailan.

Napansin kong sementado na pala ang nilalakaran ko. May katahimikan pa rin ang paligid ngunit may natanaw akong dalawang lalaking naglalakad. Ang isa ay may bitbit na plastic bag habang ang isa naman ay kaswal na naglalakad at para bang pareho silang ingat na ingat.

Gusto ko sanang lumapit papunta sa kanila ngunit nang akmang tatakbo na ako upang lumapit ay may napansin ako sa sahig na nilalakaran ko. May naapakan akong matigas na bagay kaya't dahan-dahan akong yumuko upang tingnan ito.


Bullets and ashes are scattered on the floor. Sa lagay ng mga bala at nagkalat na abo, para bang dinaanan ng gyera ang buong lugar. Kinikilabutan ako subalit namumuo rin ang kuryosidad sa isipan ko.

"What the hell am I doing here?" bulalas ko gamit ang isang linyang narinig ko na sa isa sa mga kantang napakinggan ko noon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko upang magpatuloy sa paglakad at tingnan ang sahig at mga kalyeng nadaraanan upang muling makakita ng mga bagay-bagay na maaring magbigay sa akin ng kasagutan kung nasaan ako.

Pansin kong halos lahat ng mga establishmentong nadaraanan ko'y gawa sa kahoy. May pailan-ilang akong napapansin na gawa sa bato ngunit kung pagmamasdang mabuti, para bang makaluma ang istilo nito.

Sa paglalakad ko sa kawalan ay muli na naman akong nakarinig ng mga malalabong ingay. Sa pagkakatong ito, para bang nanggagaling sa likuran ko ang estrangherong mga tunog kaya naman marahan akong lumingon hanggang sa mapansin ko ang maraming tao na tila ba nagmamartsa mula sa kalayuan. May ilang parang mga sundalo na nasa harapan habang may dala-dalang mga mahahabang baril at mayroon ding mga sundalo na sakay ng kalesa.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن