Chapter 17 : Mayhem

338 60 0
                                    

Chapter 17 : Mayhem

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Chapter 17 : Mayhem

Mandy


REGARDLESS of how long and gloomy the hanging bridge is, I am determined to reach the other side of it. The sky is so dark, matched with the thick cold fog that surrounds the area I'm trying to deal with. I couldn't even see the surroundings clearly. I was trying to look back at Diego but I could no longer see him because of the thick fog that hinders me from having my visions distinct.


"Wala bang katapusan ang tulay na 'to?" Napatanong ako sa sarili sapagkat halos ilang minuto na rin akong naglalakad at pinipilit magpakatatag.


Paulit-ulit na gumagalaw ang tulay na mistula bang isa itong duyan. Pakiramdam ko rin ay may mga ligaw na espiritong nagmamasid sa akin habang tinatahak ko ang tulay ngunit hindi ko ito alintana.


May mga kumakaluskos at maliliit na ingay sa paligid subalit hindi ko iyon maintindihan. Habang tumatagal ay lumalamig na rin ang paligid at pakiramdam ko'y ano mang sandali ay pipiliin kong bumalik na lamang sa pinanggalingan at 'wag nang tumuloy pa dahil sa kilabot na nadarama.


"Oh shit!" Parang tumalon ang puso ko sa kaba nang bigla na lamang akong makarinig ng crack sa tulay at kasabay nito ay ang pagkasira ng isang maliit na kahoy na tinapakan ko.


Dahil sa nangyari ay mas pinag-ingatan ko pa ang paglalakad at pilit na tinatagan ang loob. The other side of this bridge will remain a mystery for me kung hindi ko ipagpapatuloy ang paglalakad.


Ilang minuto pa ang nakakaraan hanggang sa matanaw ko ang isang tila ba malaking bundok sa harapan ko. Napakadilim ng paligid at nababalot pa ito ng mga hamog ngunit nasisiguro kong may isang mahabang tunnel sa dulo ng tulay. Tila ba isa itong tunnel sa gitna ng bundok na nakaharang.



Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman kong matigas na ang dinaraanan ko nangangahulugang nalampasan ko na ang mahabang tulay. Tagumpay mang nakarating sa kinaroroonan ko ngayon ay hindi ko pa rin magawang maging kampante lalo pa't wala pa rin akong maaninag sa paligid.



Lubhang mas madilim na ngayon sa loob ng tunnel kaysa sa dinaanan kong tulay sapagkat wala ng buwan o mga bituin na nagbibigay ng liwanag sa dinaraanan ko. Naririnig kong may mga nagliliparang paniki sa itaas at mga tunog ng iba't ibang hayop na hindi ko matukoy kung ano.



I don't want to stay here for so long so I run as fast as I could until I can already hear small noises far away from where I am. Pakiramdam ko, malapit na akong makarating sa kabihasnan kaya naman mas naging determinado akong makalabas ng tunnel na ito.



Hindi ko alam kung may sasalubong pa ba sa akin na mga Hapones o hindi naman kaya'y mga tao mula sa nakaraan dahil iba ang pakiramdam ko nang dumaan ako sa tulay na 'yon. I really feel like there's something weird with that bridge.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن