epilogue

868 76 26
                                    

UMALINGAWNGAW ang malalakas na sigawan ng mag-aaral nang mapadpad sa magubat na bahagi ng paaralan kung saan natagpuan nila ang mga kakaibang nilalang na duguan ang mga damit mukha, may malapad na ngisi habang may kani-kaniyang hawak na duguang mg...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




UMALINGAWNGAW ang malalakas na sigawan ng mag-aaral nang mapadpad sa magubat na bahagi ng paaralan kung saan natagpuan nila ang mga kakaibang nilalang na duguan ang mga damit mukha, may malapad na ngisi habang may kani-kaniyang hawak na duguang mga chainsaw na animo'y ginamit pa sa pang-wawarak ng laman-loob at katawan.



Kaagad napatakbo ang mga mag-aaral nang mapagtantong maling istasyon ang kanilang napuntahan at muling naghanap ng pwedeng makapagturo sa kanila kung saan sila dapat pumunta.



Sa gitna ng napakadilim na paligid at tanging mga buwan at bituwin lamang sa langit ang nagbibigay liwanag sa liblib at nakakikilabot na lugar, natawa na lamang ang isa sa mga may hawak ng umaandar pang chainsaw at saka dali-daling ibinaba. Dahil sa ginawa niya'y agad ding nakitawa ang dalawa pa niyang kasamahan at nagkusa na ring pinatay ang kani-kanilang hawak na mga chainsaw na animo'y wala nang pakialam kung may dumating pang muling mag-aaral.



"Kita mo 'yon, Cedric? Takot na takot ang mga participants. Effective ang makeup at acting natin bilang hunters!" nakakalokong sambit ni Cristoff sa mga kasamahan at saka dali-daling nakipag-high five sa mga ito.



"Well, they should be grateful to know na lamang ang lahat ng ito at kailangan nating gawin para sa kanila in order to gain extracurricular points," wika naman ni Arcen na siyang tuwang-tuwa rin sa ginawang pananakot sa mga mag-aaral.


"Kung totoong hunters lang ang nakaharap nila, baka atakihin pa sila sa puso sa takot. Baka nga mapaihi pa sa pantalon 'yon. Tapos kita niyo naman, grabe 'yung pagtili no'ng isang lalaki. Confirmed si kuya!" pang-aalaska pa ni Cedric kahit pa nakatakbo na ang grupong huling dumaan sa kanila kaya muling nagtawanan ang tatlo.



Narinig nilang may paparating na muling panibagong grupo kaya dali-daling kumilos ang tatlo at bumalik sa kani-kanilang mga ginawa. Para bang otomatiko silang sinapian ng pagiging hunter kaya naman agad na silang naghanda sa muling pananakot sa mga ito.


▬▬▬

"HAPPY Halloween!" bulalas ni Liver matapos bigyan ng kulay berdeng paper flag ang huling grupong dumaan sa kaniyang istasyon. Mag-isa lamang ang dalaga habang nakatayo sa gilid ng mataas at malaking puno kaya naman nang makaalis na ang grupo ay muling nagseryoso ang dalaga at natahimik.



Inayos niya ang kaniyang puting wig na ngayo'y umuunat na. Pinilit niya itong guluhin upang manatili ang kaniyang nakakasindak na hitsura bilang isang manananggal.



Ilang sandali pa'y namataan niya ang panibagong grupong paparating sa kaniyang istasyon kaya naman bumuntong-hinihinga si Liver at pinakalma ang sarili. Pinalaki niya ang kaniyang mata hanggang sa makalapit na ang mga mag-aaral sa kinaroroonan niya.



"Hikhikhikhik!" paulit-ulit na bulalas ni Liver habang sinisindak ang mga kapwa mag-aaral. Agad namang napaatras ang ilan sa mga ito dahil sa gulat habang ang isang babae naman ay nanatiling nakatayo at para bang nawi-wirdohan sa ikinikilos ng dalaga.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Where stories live. Discover now