Chapter 4 : Bird's Trouble

676 120 3
                                    

Chapter 4 : Bird's Trouble

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Chapter 4 : Bird's Trouble

Mandy


WE run as fast as we can. The town is in its silent mode while our footsteps are the only source of noise in the area. It is like, we are running for our lives and no one must be left behind or else, wala nang iba pang choices kung hindi ang i-sacrifice ang buhay ng kung sino man ang maiiwan.

"Is this even real? Wala man lang akong nakikitang tao sa paligid na maari nating hingian ng tulong." Habang tumatakbo'y patuloy sa pag-iyak ang kanina pa napapraning na si Ovary.

"We have no choice but to save ourselves," sambit naman nang nangungunang si Cristoff. Nakakaramdam na ako ng pagkahapo ngunit hindi ako pwedeng tumigil.

Our goal is to protect ourselves from that freaking bird. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya kaming tantanan mula pa kanina. Nakalabas na kami't lahat ng campus ay hinahabol niya pa rin kami. Good thing we're good runners. I guess that's just the effect of having near-death experience.

"Dito!" Sinundan namin si Cristoff hanggang sa lumiko kami sa isang eskinita. Makaraan ang ilang hakbang ay lumabas kami sa isa pang kalye kung saan may isang maliit na Milktea House. Nakakapagtaka man dahil bukas ang sliding door nito'y hindi na kami nag-inarte pa't kaagad pumasok sa loob.

Hindi ko alam kung patuloy pa rin kaming hinahabol ng bwisit na ibon na 'yon. If only we can make a giant slingshot, we could easily kill this ugly bird. O hindi naman kaya'y, malaking lambat dahil baka pagkakitaan pa namin ito.

"Is this even legal? Pumasok tayo sa isang establishment nang hindi nagpapaalam. Baka pare-pareho tayong makulong nito." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Heshella nang magsalita ito habang inoobserbahan ang kinaroroonan namin.

As usual, it smells like the ordinary Milktea house. Ang kaibahan lang, wala rito ang mga ingredients na ginagamit sa inumin. Tanging ang mga decorations lang at ang mga tables ang naririto sa loob.

Nagtulong-tulong ang mga lalaki na ilipat ang mga lamesa papunta sa may pintuan. Ginamit nila ito bilang harang at para makasiguro na rin na hindi na kami lulusubin pa ng ibon.

Nang tagumpay na maharangan ang glass door ay ibinaba naman nila ang Blind Curtains upang matakpan na rin ang mga salamin. Kinakailangan naming makasigurado na wala ring makakakita sa amin dahil baka humantong pa kami sa kulungan.

"What was that?" tanong ni Liver nang unti-unti nang maging kalmado ang lahat. Humanap kami ng kani-kaniyang pwesto sa loob ng Milktea House.

"I guess the myths about the Roc are real.." Napatingin kaming lahat kay Anicka nang magsalita ito. The genius one is about to share knowledge, once again.

"Roc? Ano 'yun?" tanong naman ni Cedric na gaya namin ay tila ba naging interesado dahil sa sinabi ni Anicka. Well, sino ba namang hindi magiging interesado sa ganitong usapan?

The City Of Troubles (Novel of all Genres)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن