Chapter 29 : The Extortioner

339 48 10
                                    

Chapter 29 : The Extortioner

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 29 : The Extortioner

Mandy



"THESE are the documents that might help us solve the case. I gathered some information regarding the year 1902 but unfortunately, wala pa akong nasasagap na balita na nagkaroon ng zombie apocalypse, not even in other years." Binuklat ko ang mga inilatag ni Cristoff na mga folders at envelopes na naglalaman ng mga papers na ini-research niya para.



Halos pinagtitingnan na kami ng mga estudyanteng dumaraan dahil magpahanggang ngayon ay nakasuot pa rin ako ng white hospital gown ngunit wala akong pakialam.



Umayos ako nang pwesto sa batong inuupuan at saka muling ipinatong ang dalawang braso sa batong lamesang nasa harapan namin na siyang pinapatungan ng mga papeles. Mabuti na lamang at kahit papaano'y hindi kami naiinitan sa aming pinupwestuhan dahil sa mataas na punong nasa gilid lamang na siyang pumoporotekta sa amin sa init na nagmumula sa araw.



"Before 2020 Corona virus pandemic, nagkaroon ng isa pang sakit na kumalat sa buong mundo a century ago. It was the 1918 Flu Pandemic. Ayon sa mga na-research ko, tinatayang 500 milyong katao ang naapektuhan ng pandemic na ito." Inilapag niya sa akin ang isang papel na naglalaman ng isang article tungkol sa sinabi niya.



Nakakakilabot ang ilan sa mga impormasyong nabasa ko ngunit patuloy pa rin kaming naghahanap ng tungkol sa mga nangyari noong 1902. Naniniwala ako na sa dami ng papel na nakakalat sa harapan namin, may isa man lang na makapagbibigay lead sa amin kung ano ba talaga ang nangyari noong panahong iyon.



"Wait.. pinag-usapan before during the 2020 pandemic na manmade raw ang virus. Is that true?" tanong ko kay Cristoff nang muli ay mapukaw ang atensyon ko sa papel na may mga pictures at statistical data regarding the 2020 issue.



"That's just a theory. Up until today, hindi pa rin napapatunayan dahil kahit noong Spanish Flu pandemic, may mga hinala rin tungkol doon. There are a lot of theories around the world. Some are so creepy and weird, some conspiracy theories are really alarming. Pinaghihinalaan pa nga na may mga aliens na gustong maghari sa mundo but up until today, wala namang proweba," litanya niya dahilan upang mapanganga na lamang ako.



"I'm not really a fan of history or these historical events. Bakit hindi natin muna tipunin ang lahat upang ipaliwanag sa kanila ang nangyari? I mean, Arcen and Pancreas obviously not aware of what happened at parang nang makabalik tayong lahat dito ay nakalimutan na rin nila na pare-pareho tayong naghirap sa mundong 'yon," suhestiyon ko.



Mahihirapan lang kasi kami kung kami lang dalawa ni Cristoff ang mag-uusap tungkol dito gayong kailangan ding malaman ng iba ang totoong nangyari.



"No need, Mandy. They're just pretending that they don't remember anything," aniya kaya naman namuo ang pagtataka sa isipan ko. Bakit naman kailangan nilang magpanggap?



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Where stories live. Discover now