Chapter 34 : Paralyzed

356 47 13
                                    

Chapter 34 : Paralyzed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 34 : Paralyzed

Mandy




"I thought you're a werewolf? Bakit bigla ka na lang naging bampira tapos sinundan mo pa talaga kami rito sa totoong mundo—I mean, sa totoong panahon namin?" I don't know how it happened pero ngayon ay kasama na namin si Addison sa byahe at kaming dalawa na lamang ang natira sa cargo bed ng pickup car.



Liver, Pancreas and Ovary decided to be inside the car after knowing na hahayaan ko si Addison na sumama sa amin. They're all afraid of what Addison might do pero ako, matapang ko siyang tinanggap sa amin. Hindi ko pa man siya natatanong nang maayos kung ano ang dahilan niya kung bakit siya nagpakita sa amin but I can sense that we could trust him. This time, kakailanganin pa rin naman namin siya at malaking tulong siya sa amin just in case magkaroon ng panibagong rambulan. After all, siya lang naman ang may kapangyarihan sa aming lahat.



"Mahirap ipaliwanag, Mandy. Ang totoo niyan ay matagal na akong gumagala rito sa mundong ibabaw. Matagal na kitang minamanmanan pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang harapin ka," wika niya. Pareho kaming nakaupo sa sahig ng cargo bed at kanina ko pa siya kinukumbinsing alisin ang kapa niyang kulay berde dahil baka may makakita sa kaniya ngunit nagmatigas talaga siyang panatilihing suot ito dahil narito daw ang kaniyang kapangyarihan.



I was never a fan of Addison before. I don't like his vibe especially when we're on the city of troubles but today, matapos niya kaming takutin lahat ay parang bigla na lamang gumaan ang pakiramdam ko nang malamang balak niya pala kaming tulungan. We all knew vampires do really exist after discovering the autopsy reports from our classmates' corpses. I think this is the perfect time to ask him about it.



"Siguro naman, hindi ikaw ang pumapatay sa mga kaklase namin, 'di ba? They were all found dead at pinaghihinalaang mga bampira daw ang gumagawa no'n sa kanila," paliwanag ko habang diretsong nakatingin sa kaniya.



Lumingon siya hanggang sa magtama ang aming mga mata. Bigla na lamang nagliwanag ang kaniyang mukha kaya't para akong nasilaw. Napatakip ako sa mata ko't nang masigurong wala na ang liwanag ay dahan-dahan kong inalis ang dalawang palad sa mukha. Doo'y napagtanto ko ang isang bagay na nalaman ko lang nitong mga nakaraan.



"Greislor.." Para akong nanigas sa kinauupuan dahil sa pagkamangha.



Tama. Cristoff told us about someone who has the ability to change his character. That's why I didn't notice him the moment we first saw him. Nagagawa niyang magpalit anyo sa ayaw at sa gusto niya and that made me think of one thing.



"What kind of creature are you?" nauutal kong sambit habang hindi pa rin ako makagalaw dahil sa labis na gulat.



Greislor's eyes are red like blood. Ibig sabihin, hindi ako namamalikmata noong first day of school nang makita kong namumula ang mata niya. He's definitely the vampire that the case leads us to. He's the reason why Sheila and Jofer got killed. I should've not trusted him in the first place.



The City Of Troubles (Novel of all Genres)Where stories live. Discover now