Chapter 2 : Trapped

959 131 10
                                    

Chapter 2 : Trapped

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 2 : Trapped

Mandy

"Guys, our class president just passed away!" Gulat na gulat ang lahat nang biglang dumating si Jofer na tila ba kagagaling lang sa pagtakbo at tagaktak pa ang pawis. Halos kalahati ng klase namin ay nakatambay sa isang rest house dito sa loob ng school. Every time we have our vacant hours like this, we tend to gather ourselves sa lugar na ito dahil bukod sa mahangin, ang ganda ng view kasi may lakeside sa likod.


"What? Seryoso ka?" bulalas ni Pancreas na animo'y hindi makapaniwala sa sinambit ng kaklase namin. Parang few days ago lang, namatayan na kami ng kaklase which is si Dexter nga tapos ngayon, si Sheila naman. Ito na ba ang sinasabi niyang serial killings?


"Yep. Kasalukuyang dinudumog ngayon ang T. Alonzo Building dahil natagpuan siyang nakasabit do'n, wala ng buhay," kwento pa ni Jofer. Nagtayuan ang mga kaklase ko na para bang gusto na ring pumunta sa sinasabi ni Jofer at makiusisa.


"Teka, baka naman ikaw ang pumatay sa kaniya?" sabat ni Greislor kaya naman natuon ang lahat ng atensyon sa kaniya. "Ikaw ang unang nakaalam sa ating lahat so posible rin na ikaw ang pumatay sa kaniya!" aniya pa gamit ang tonong tila ba ginigisa si Jofer.


This is the first time I saw him like this. I mean, he's a transferee at never ko pa siyang narinig na magsalita lalo na kung tungkol sa klase namin. At isa pa, kahit pa madalas din siyang sumasama sa amin ay hindi naman siya gaanong nagsasalita.


"Ano? So sinisisi mo pa ako? Ang yabang mo rin, eh 'no? Kabago-bago mo rito, ganiyan ang ugali mo!" sagot ni Jofer. Akmang susugurin na niya si Geislor nang biglang umawat ang mga lalaking kaklase namin na malapit sa kaniya. Ang ilan nama'y pinapakalma rin si Geislor dahil tila ba hindi rin ito makapagpigil na sugurin si Jofer.


"Guys, enough na! You see, our class is in trouble. Saka pa ba tayo mag-aaway-away?" sabat ng pabidang si Heshella. I don't know why but everytime naririnig ko ang boses niya, lagi kong naiisip na napakapabida niya. Feeling niya, siya ang pinakamagaling sa section namin although she's not a part of the class officers.


Natahimik ang lahat nang biglang mag-walk-out si Jofer. Nasundan na rin ito ng pagwawatak-watak naming lahat dahil ang ilan ay gusto nang umuwi habang ang mga natira nama'y gustong alamin ang nangyari.


"Bes, I think we have to go home na rin. It's no longer fun here. Ayokong mamatay nang maaga," bumulong sa akin si Ovary na para bang kinukumbinsi akong umuwi na rin. Kasama kasi kami sa natira rito sa tambayan.


"Kaya nga. For sure isa sa mga kaklase natin ang gumagawa nito at baka madamay tayo. Marami pa akong pangarap sa buhay," pagsang-ayon naman ni Pancreas na mangiyak-ngiyak na ngayon habang magkayakap sila ni Ovary.


The City Of Troubles (Novel of all Genres)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon