Chapter 1 : Starting line

1.5K 151 19
                                    

Chapter 1 : Starting line

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 1 : Starting line

Mandy's Point of View

"HOY Amanda, ikaw ba'y may balak pang bumangon at pumasok?" Sapilitan akong napamulat nang marinig ang tila ba death threat na boses ni Mama. Kanina pa tunog nang tunog ang alarm clock ko pero kanina ko pa rin ito pinapatigil.

It's funny how things in fictional books do really happen in real life. I mean, we all know na sa mga romantic-comedy cliche stories, hindi mawawala ang ang mala-alarm clock na sigaw ng mga nanay tuwing First day of school. Unfortunately, isa ako sa mga nakaranas noon ngayon lalo pa at ito ang unang araw sa huling taon ko sa Sekondarya.

Nagtimpla ako ng isang tasang kape at nagprito ng dalawang itlog. Alam kong wala na akong panahon pa para magpapetiks-petiks dahil male-late na ako. But who cares? Sa dami na ng story na nabasa ko, at halos lahat sila, nale-late every first day of school, may dahilan pa ba para matakot ako?

Mabilis akong kumain at naligo. Buti na lamang din pala at naihanda ko na ang gamit ko kagabi pa lamang kaya't hindi na hassle sa akin ang pag-aayos ng gamit ngayon.

Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ko rin pala ang pagsusuklay. Usually, hindi naman talaga ako nagsusuklay kaya lang, sobrang buhaghag talaga ng buhok ko ngayon to the point na halos sapakin na ako ng katabi ko kanina sa jeep dahil parang lahat na yata ng hibla ng buhok ko, tumama sa mukha niya.

Habang tumatakbo papunta sa designated classroom ko ay itinali ko na rin ang buhok ko. Good thing I was trained to do multitasking.

Tumungo ako upang maging maayos ang pagtatali ng sarili kong buhok. Hindi ko napansin na dahil sa pagkaabala sa pag-aayos ng sarili ay may isa rin palang tanga na nasa harapan ko ang hindi tumitingin sa dinaraanan.

The next thing I know, nakadapa na ako sa sahig at nagkalat ang mga dala kong gamit. Hindi ko alam kung mabubwisit ba ako nang makita ko kung sinong pumatid sa akin o kikiligin nang malamang gwapo siya.

"Lampa!" He said calmly while having a poker face expression. Bigla akong nanggigil sa sinabi niya sa akin at mabilis na tumayo. 

Subalit bago ako makapagsalita ay bahagya akong napaisip sa mga nangyayari. There's something wrong. Bakit parang lahat ng mga nangyayari ngayong araw, ay kaparehong-kapareho sa mga tipikal na nangyayari sa mga librong nababasa ko? Hindi kaya.. ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang soulmate ko?

"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na nga 'tong hindi tumitingin sa dinaraanan mo!" sagot ko na lamang pabalik. Mukhang hindi siya natitinag dahil gano'n pa rin ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit, tumitingin ka ba sa dinaraanan mo?" tanong naman niya pabalik na nakapagpatikom ng bibig ko. Oo nga naman.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya naman nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kaniya. Tila ba naghihintay pa siya ng sagot ko ngunit nang mapansing hindi na ako nagsalita pa, bigla na lamang siyang naglakad palayo.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Where stories live. Discover now