Chapter 6 : Roaming around

596 112 6
                                    

Chapter 6 : Roaming around

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 6 : Roaming around

Mandy

Huminto ang sasakyan dahilan upang maalimpungatan ako. I was expecting a sunlight the moment I opened my eyes but to my surprise, madilim pa rin ang kalangitan at para bang walang nagbabago. Sa tantsa ko'y may tatlong oras akong nakatulog habang bumabyahe pa rin kami kasama ang lalaking nakita namin kanina. Hindi ko alam kung papaanong nagawa nilang magtiwala agad sa kaniya. Pakiramdam ko talaga, hindi katiwa-tiwala ang isang 'to dahil sa nakita ko sa mata niya.

"Bakit tayo tumigil? Nasa beach na ba tayo?" wika ko habang napapakamot-kamot pa sa ulo. Sa pagkakatanda ko kasi, plano namin na pumunta sa isang beach resort kaya lang mukhang nagkakandaligaw-ligaw na kami, hindi pa rin alam ni Arcen kung saan ang tamang daan.

Walang sumagot sa kanila kaya naman nagkusa na akong ilibot ang paningin ko hanggang sa makumpirma ko ang dahilan. Kitang-kita sa windshield ng sasakyan sa harapan ang nagkukumpulang mga zombies na para bang inaabangan kami.

"Okay? Siguro naman, pwede tayong mag-u turn, right?" Lumingon naman ako patalikod kung saan laking dismaya ko nang mapansing may mga naglalakad na rin papalapit sa sasakyan namin.

"We're doomed. Mukhang kailangan mo ng ultra speed na pagmamaneho at sagasaan ang mga 'yan," sambit ni Cristoff na siyang nakapwesto pa rin sa passenger's seat.

Naiimagine ko ang pinaplano niya at para bang nandidiri na agad ako. Napapanood ko ito sa mga movies, and it's quite alarming. Kahit pa mga zombies na itong mga 'to, nakakadiri pa rin kapag nagtalsikan ang mga laman nila.

"Close all the windows! Susugod tayo," maotoridad na sambit naman ni Arcen. Wala na kaming nagawa pa kung hindi isara ang lahat ng bintana.

Papalapit na nang papalapit ang mga zombies mula sa likod namin habang ang mga nasa harapan naman ay tila ba naghihintay lamang na sumugod kami. Gusto ko sanang sabihin na ang bobo nila kaya lang, baka matauhan pa sila at maisip na mali ngang tumayo lamang sila doon.

Naghanda si Arcen sa pagmamaneho. Nakatingin lamang kaming lahat sa kaniya at sa nangyayari sa unahan hanggang sa bigla niyang pinaharurot ang takbo ng sportsmobile at tamaan ang mga nakaharang na zombies sa unahan. Kahit napakarami nila'y hindi nito nagawang pahintuin ang sasakyan hanggang sa magtagumpay kaming malampasan ang mga ito.

"That's great!" wika ni Cedric. Lahat kami'y tuwang-tuwa sa nangyari kahit pa medyo nakakadiri na nagtalsikan pa sa sasakyan namin ang ilan sa mga dugo at laman loob ng mga binangga naming zombies.

Para bang ayoko na tuloy bumaba ng sasakyan dahil baka mahawakan ko lamang ang mga nagtalsikang dugo mula sa mga zombies.

"Nagugutom ako kanina kaya lang parang biglang nawala dahil sa kanila," sambit ni Liver habang nakahawak pa ito sa t'yan niya.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Where stories live. Discover now